1 Ang mga lalaking anak ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari.
2 Ang mga lalaking anak ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
3 Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam.
Ang mga lalaking anak ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
4 Si Eleazar ay ama ni Finehas na siyang ama ni Abisua.
5 Si Abisua ay ama ni Buki na siyang ama ni Uzi.
6 Si Uzi ay ama ni Zeraias na siyang ama ni Meraiot.
7 Si Meraiot ay ama ni Amarias na siyang ama ni Ahitob.
8 Si Ahitob ay ama ni Sadoc na siyang ama ni Ahimaaz.
9 Si Ahimaaz ay ama ni Azarias na siyang ama ni Johanan.
10 Si Johanan ay ama ni Azarias na siyang punong pari nang ipinatayo ni Solomon ang Templo sa Jerusalem.
11 Si Azarias ay ama ni Amarias na siyang ama ni Ahitob.
12 Si Ahitob ay ama ni Sadoc na siyang ama ni Salum.
13 Si Salum ay ama ni Hilkias na siyang ama ni Azarias.
14 Si Azarias ay ama ni Seraias.
Si Seraias naman ang ama ni Josadac. 15 Si Josadac ay kasama sa mga bihag nang ipabihag ng Panginoon ang mga mamamayan ng Jerusalem at Juda kay Nebucadnezar.
16 Ang mga lalaking anak ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari.
17 Ang mga lalaking anak ni Gerson ay sina Libni at Simei.
18 Ang mga lalaking anak ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
19 Ang mga lalaking anak ni Merari ay sina Mahli at Musi.
Ito ang mga pamilya ng mga Levita na itinala ayon sa kanilang mga ninuno:
20 Sa angkan ni Gerson ay sina Libni, Jahat, Zima, 21 Joah, Ido, Zara at Jeatrai.
22 Sa mga angkan ni Kohat ay sina Aminadab, Kora, Asir, 23 Elcana, Ebiasaf, Asir, 24 Tahat, Uriel, Uzias at Shaul.
25 Sa mga angkan ni Elcana ay sina Amasai, Ahimot, 26 Elcana, Zofai, Nahat, 27 Eliab, Jeroham, Elcana at Samuel.
28 Ang mga lalaking anak ni Samuel ay si Joel na panganay at ang pangalawang si Abias.
29 Sa mga angkan ni Merari ay sina Mahli, Libni, Simei, Uza, 30 Simea, Hagia at Asaias.
31 Ito ang mga taong itinalaga ni David upang mamahala sa musika sa bahay ng Panginoon matapos malipat doon ang Kahon ng Kasunduan. 32 Naglingkod sila sa pamamagitan ng pag-awit doon sa Tabernakulo na tinatawag ding Toldang Tipanan hanggang sa panahong naipatayo ni Solomon ang Templo ng Panginoon sa Jerusalem. Ginawa nila ang kanilang gawain ayon sa mga tuntunin na ipinatupad sa kanila. 33 Ito ang mga naglilingkod na kasama ang kanilang mga anak:
Si Heman na isang musikero na mula sa angkan ni Kohat. (Si Heman ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Samuel. Si Samuel ay anak ni Elcana. 34 Si Elcana ay anak ni Jeroham. Si Jeroham ay anak ni Eliel. Si Eliel ay anak ni Toah. 35 Si Toah ay anak ni Zuf. Si Zuf ay anak ni Elcana. Si Elcana ay anak ni Mahat. Si Mahat ay anak ni Amasai. 36 Si Amasai ay anak ni Elcana. Si Elcana ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Azarias. Si Azarias ay anak ni Zefanias. 37 Si Zefanias ay anak ni Tahat. Si Tahat ay anak ni Asir. Si Asir ay anak ni Ebiasaf. Si Ebiasaf ay anak ni Kora. 38 Si Kora ay anak ni Izar. Si Izar ay anak ni Kohat. Si Kohat ay anak ni Levi. Si Levi ay anak ni Israel.)
39 Si Asaf na mula sa angkan ni Gerson. Siya ang unang tagapamahala ni Heman. (Si Asaf ay anak ni Berequias. Si Berequias ay anak ni Simea. 40 Si Simea ay anak ni Micael. Si Micael ay anak ni Baaseias. Si Baaseias ay anak ni Malquias. 41 Si Malquias ay anak ni Etni. Si Etni ay anak ni Zera. Si Zera ay anak ni Adaias. 42 Si Adaias ay anak ni Etan. Si Etan ay anak ni Zima. Si Zima ay anak ni Simei. 43 Si Simei ay anak ni Jahat. Si Jahat ay anak ni Gerson. Si Gerson ay anak ni Levi.)
44 Si Etan na mula sa angkan ni Merari. Siya ang pangalawang tagapamahala ni Heman. (Si Etan ay anak ni Quisi. Si Quisi ay anak ni Abdi. Si Abdi ay anak ni Maluc. 45 Si Maluc ay anak ni Hashabias. Si Hashabias ay anak ni Amazias. Si Amazias ay anak ni Hilkias. 46 Si Hilkias ay anak ni Amzi. Si Amzi ay anak ni Bani. Si Bani ay anak ni Semer. 47 Si Semer ay anak ni Mahli. Si Mahli ay anak ni Musi. Si Musi ay anak ni Merari. At si Merari ay anak ni Levi.)
48 Ang mga kapwa nila Levita ay binigyan ng ibang gawain sa Tabernakulo, ang bahay ng Diyos.
49 Ngunit si Aaron at ang kanyang angkan ang naghahandog sa altar na pagsusunugan ng mga handog na sinusunog at sa altar na pinagsusunugan ng insenso. At sila rin ang gumagawa ng iba pang mga gawain na may kinalaman sa ginagawa sa Pinakabanal na Lugar. Naghahandog sila para sa kapatawaran ng kasalanan ng Israel. Ginagawa nila ito ayon sa lahat ng iniutos ni Moises na lingkod ng Diyos.
50 Ito ang mga angkan ni Aaron: sina Eleazar, Finehas, Abisua, 51 Buki, Uzi, Zeraias, 52 Meraiot, Amarias, Ahitob, 53 Sadoc, at Ahimaaz.
54 Ito ang mga lupain na ibinigay sa angkan ni Aaron na mula sa angkan ni Kohat. Sila ang unang binigyan ng lupain sa pamamagitan ng palabunutan. 55 Kabilang sa mga lupaing ito ay ang Hebron na nasa Juda at ang mga pastulan sa paligid nito. 56 Ngunit ang mga bukirin at ang mga baryo sa paligid ng lungsod ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefune. 57 Kaya ibinigay sa angkan ni Aaron ang mga sumusunod na lupain kabilang ang mga pastulan nito: Hebron (ang lungsod na tanggulan), Libna, Jatir, Estemoa, 58 Hilen, Debir, 59 Asan, Juta, at Bet-semes. 60 At mula sa lupain ng lahi ni Benjamin ay ibinigay sa kanila ang Gibeon, Geba, Alemet at Anatot, pati na ang mga pastulan nito. Ang bayan na ibinigay sa angkang ito ni Kohat ay labintatlong lahat. 61 Ang natirang mga angkan ni Kohat ay binigyan ng sampung bayan sa pamamagitan ng palabunutan mula sa lupain ng kalahating lahi ni Manases.
62 Ang mga angkan ni Gerson ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng labintatlong bayan mula sa mga lahi nina Isacar, Asher, Neftali, at mula sa kalahating lahi ni Manases sa Bashan.
63 Ang angkan ni Merari, ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng labindalawang bayan mula sa lahi nina Ruben, Gad at Zebulun.
64 Kaya ibinigay ng mga Israelita sa mga Levita ang mga bayang ito at ang mga pastulan nito. 65 Ibinigay din sa kanila ang mga nabanggit na bayan na mula sa lahi nina Juda, Simeon at Benjamin sa pamamagitan ng palabunutan.
66 Ang ibang mga pamilya ni Kohat ay binigyan ng mga bayan mula sa lahi ni Efraim. 67 Ibinigay sa kanila ang Shekem (na siyang lungsod na tanggulan sa kaburulan ng Efraim), ang Gezer, 68 Jocmeam, Bet-horon, 69 Ayalon at Gat-rimon, pati na ang mga pastulan nito. 70 Ang iba pang angkan ni Kohat ay binigyan ng mga kapwa nila Israelita ng mga bayan mula sa kalahating lahi ni Manases. Ang ibinigay sa kanila ay ang Aner at Bileam pati ang mga pastulan nito.
71 Ang angkan ni Gerson ay binigyan ng mga sumusunod na bayan: Mula sa kalahating lahi ni Manases: Golan sa Bashan at ang Astarot, pati ang mga pastulan nito. 72 Mula sa lahi ni Isacar: Kedes, Daberat, 73 Ramot at Anem, pati ang mga pastulan nito. 74 Mula sa lahi ni Asher: Masal, Abdon, 75 Hucoc at Rehob, pati ang mga pastulan nito. 76 Mula sa lahi ni Neftali: Kedes sa Galilea, Hamon at Kiryataim, pati ang mga pastulan nito.
77 Ang mga natirang angkan ni Merari ay binigyan ng mga sumusunod na lupain: Mula sa lahi ni Zebulun: Jocneam, Carta, Rimono at Tabor, pati ang mga pastulan nito. 78 Mula sa lahi ni Ruben na nasa kabilang Ilog Jordan sa silangan ng Jerico: Bezer sa may disyerto, Jaza, 79 Kedemot at Mefaat, pati ang mga pastulan nito. 80 At mula sa lahi ni Gad: Ramot sa Gilead, Mahanaim, 81 Hesbon at Jazer, pati ang mga pastulan nito.