Publicidade

1 Crônicas 27

Ang mga Kumander at Grupo ng mga Sundalo

1 Ito ang listahan ng mga pinuno, mga kumander, at mga opisyal ng mga Israelita na naglilingkod sa hari bilang tagapangasiwa sa grupo ng mga sundalong naglilingkod ng isang buwan sa bawat taon. Ang bawat grupo ay may dalawampuʼt apat na libong sundalo.

2 Si Jasobeam na anak ni Zabdiel ang kumander ng mga sundalo sa unang buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya. 3 Mula siya sa angkan ni Peres at pinuno ng lahat ng opisyal ng mga sundalo tuwing unang buwan.

4 Si Dodai na mula sa angkan ni Ahoa ang kumander ng mga sundalo sa ikalawang buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo. Si Miclot ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.

5 Si Benaias na anak ng paring si Jehoiada, ang kumander ng mga sundalo sa ikatlong buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa kanyang grupo. 6 Siya ang Benaias na matapang na pinuno ng Tatlumpung matatapang na tauhan ni David. Ang anak niyang si Amizabad ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.

7 Si Asahel na kapatid ni Joab ang kumander ng sundalo sa ikaapat na buwan. Ang anak niyang si Zebadias ang pumalit sa kanya. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.

8 Si Samhut na mula sa angkan ni Ishar ang kumander sa ikalimang buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.

9 Si Ira na anak ni Iques na mula sa Tekoa ang kumander ng mga sundalo sa ikaanim na buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.

10 Si Helez na taga-Pelon na lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ikapitong buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.

11 Si Sibecai na taga-Husa na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikawalong buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.

12 Si Abiezer na taga-Anatot na mula sa lahi ni Benjamin ang kumander sa ikasiyam na buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.

13 Si Maharai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikasampung buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.

14 Si Benaias na taga-Piraton na mula sa lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ika-11 buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.

15 Si Heldai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Otniel ang kumander ng mga sundalo sa ika-12 buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.

Ang mga Pinuno ng mga Angkan ng Israel

16 Ito ang mga pinuno ng mga lahi ng Israel:

Sa lahi ni Ruben, si Eliezer na anak ni Zicri.

Sa lahi ni Simeon, si Sefatias na anak ni Maaca.

17 Sa lahi ni Levi, si Hashabias na anak ni Kemuel.

Sa angkan ni Aaron, si Sadoc.

18 Sa lahi ni Juda, si Elihu na kapatid ni David.

Sa lahi ni Isacar, si Omri na anak ni Micael.

19 Sa lahi ni Zebulun, si Ismaias na anak ni Obadias.

Sa lahi ni Neftali, si Jerimot na anak ni Azriel.

20 Sa lahi ni Efraim, si Hosea na anak ni Azazias.

Sa kalahating lahi ni Manases, si Joel na anak ni Pedaias.

21 Sa kalahati pang lahi ni Manases sa Gilead, si Iddo na anak ni Zacarias.

Sa lahi ni Benjamin, si Jaasiel na anak ni Abner.

22 Sa lahi ni Dan, si Azarel na anak ni Jeroham.

Sila ang mga opisyal ng mga lahi ng Israel.

23 Nang sinensus ni David ang mga tao, hindi niya isinama ang mga tao na wala pa sa edad na dalawampu dahil nangako ang Panginoon na pararamihin niya ang mga Israelita gaya ng mga bituin sa langit. 24 Inumpisahan ni Joab na anak ni Zeruias ang pagsesensus sa mga tao pero hindi niya ito natapos dahil nagalit ang Diyos sa pagsesensus na ito. Kaya ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay hindi naitala sa listahan ni Haring David.

Ang mga Opisyal sa Kaharian

25 Si Azmavet na anak ni Adiel ang namamahala sa mga bodega sa palasyo ng hari.

Si Jonatan na anak ni Uzia ang namamahala sa mga bodega sa mga distrito, bayan, baryo at sa mga tore.

26 Si Ezri na anak ni Kelub ang namamahala sa mga nagtatrabaho sa bukid ng hari.

27 Si Simei na taga-Rama ang namamahala sa mga ubasan ng hari.

Si Zabdi na taga-Sephan ang namamahala ng mga produkto nito, ang bunga ng ubas at alak.

28 Si Baal-hanan na taga-Geder ang namamahala ng mga puno ng olibo at sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.

Si Joas ang namamahala sa mga bodega ng langis ng olibo.

29 Si Sitrai na taga-Saron ang namamahala ng mga kawan ng hayop na pinapastol sa Saron.

Si Safat na anak ni Adlai ang namamahala ng mga kawan ng hayop sa mga lambak.

30 Si Obil na Ismaelita ang namamahala ng mga kamelyo.

Si Jedeias na taga-Meronot ang namamahala ng mga asno.

31 Si Jaziz na Hagreo ang namamahala ng mga tupa.

Silang lahat ang mga opisyal na namamahala sa mga ari-arian ni Haring David.

32 Si Jonatan na tiyuhin ni Haring David ang tagapayo niya. Isa siyang matalinong tao at manunulat. Si Jehiel na anak ni Hacmoni ang guro ng mga anak ng hari. 33 Si Ahitofel ang isa pang tagapayo ng hari. Ang Araceo na si Husai ay malapít na kaibigan ng hari. 34 Nang mamatay si Ahitofel, pinalitan siya ni Joiada na anak ni Benaias at ni Abiatar. Si Joab ang kumander ng mga sundalo ng hari.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-22_10-02-25-