Publicidade

1 Crônicas 7

Ang Lahi ni Isacar

1 Ang apat na lalaking anak ni Isacar ay sina Tola, Pua, Jasub at Simron.

2 Ang mga lalaking anak ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jahmai, Ibsam at Samuel. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nang si David ang hari, 22,600 ang bilang ng mga lalaking handang makipagdigma mula sa mga angkan ni Tola.

3 Ang lalaking anak ni Uzi ay si Izrahias. Ang apat na lalaking anak ni Izrahias ay sina Micael, Obadias, Joel at Isaias na mga pinuno ng kanilang mga pamilya. 4 Marami silang asawaʼt anak, kaya ayon sa talaan ng kanilang mga angkan, mayroon silang hukbong pandigma na binubuo ng 36,000 na lalaki.

5 Ang bilang ng mga lalaking handang makipagdigma mula sa lahat ng pamilya ni Isacar ay walumpuʼt pitong libo ayon sa talaan ng kanilang lahi.

Ang Lahi ni Benjamin

6 May tatlong anak na lalaki si Benjamin na sina Bela, Bequer at Jediael.

7 Si Bela ay may limang anak na lalaki na sina Ezbon, Uzi, Uziel, Jerimot at Iri. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Ang bilang ng kalalakihan nilang handang makipagdigma ay 22,034, ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.

8 Ang mga lalaking anak ni Bequer ay sina Zemira, Joas, Eliezer, Elioenai, Omri, Jeremot, Abias, Anatot at Alemet. Silang lahat ang anak ni Bequer. 9 Ang bilang ng kalalakihan nilang handang makipagdigma ay 20,200. Ito ang mga pinuno ng mga pamilya nila na nakatala sa talaan ng kanilang mga lahi.

10 Ang lalaking anak ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga lalaking anak ni Bilhan ay sina Jehus, Benjamin, Ehud, Quenaana, Zetan, Tarsis at Ahisahar. 11 Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. May 17,200 silang kalalakihang handang makipagdigma.

12 Ang mga lalaking anak ni Ir ay sina Supim at si Hupim, at ang anak ni Aher ay si Husim.

Ang Lahi ni Neftali

13 Ang mga lalaking anak ni Neftali kay Bilha ay sina Jahzeel, Guni, Jezer at Salum.

Ang Lahi ni Manases

14 May anak si Manases sa asawang alipin niyang Arameo. Sila ay sina Asriel at Maquir. Si Maquir ang ama ni Gilead, 15 at siya ang naghanap ng asawa para kina Hupim at Supim. May kapatid na babae si Maquir na ang pangalan ay Maaca. Ang isa pang anak ni Maquir ay si Zelofehad na ang mga anak ay puro babae.

16 May mga anak ding lalaki si Maquir kay Maaca na ang mga pangalan ay Peres at Seres. Ang mga lalaking anak ni Peres ay sina Ulam at Requem. 17 Ang lalaking anak ni Ulam ay si Bedan. Sila ang mga angkan ni Gilead na anak ni Maquir, at apo ni Manases.

18 Ang kapatid na babae ni Gilead na si Hamolequet ay may mga anak na lalaki na sina Ishod, Abiezer at Mahla.

19 Ang mga lalaking anak ni Semida ay sina Ahian, Shekem, Likhi at Aniam.

Ang Lahi ni Efraim

20 Ito ang lahi ni Efraim: si Sutela na ama ni Bered, si Bered na ama ni Tahat, si Tahat na ama ni Elada, si Elada na ama ni Tahat, 21 si Tahat na ama ni Zabad, si Zabad na ama ni Sutela. Ang mga anak ni Efraim na sina Ezer at Elad ay pinatay ng mga lalaking katutubo ng Gat nang nagnakaw sila ng mga hayop. 22 Matagal ang paghihinagpis ni Efraim sa kanilang pagkamatay, at pumunta ang kanyang mga kamag-anak upang aliwin siya. 23 Hindi nagtagal, sumiping si Efraim sa kanyang asawa; nabuntis ito at nanganak ng lalaki. Pinangalanan ni Efraim ang bata na Beria, dahil sa kasawiang dumating sa kanilang pamilya. 24 May anak na babae si Efraim na si Seera. Siya ang nagtatag ng itaas at ibabang bahagi ng Bet-horon at ng Uzenseera.

25 At ang lalaking anak ni Efraim ay si Refa. Si Refa ay ama ni Resef, si Resef ay ama ni Tela, si Tela ay ama ni Tahan, 26 si Tahan ay ama ni Ladan, si Ladan ay ama ni Amihud, si Amihud ay ama ni Elisama, 27 si Elisama ay ama ni Nun, si Nun ay ama ni Josue.

28 Ang lupaing natanggap at tinirhan ng lahi ni Efraim ay ang Betel at ang mga baryo sa paligid nito, ang Naaran sa bandang silangan, ang Gezer sa kanluran at ang mga baryo sa paligid nito, ang Shekem at ang mga baryo sa paligid nito papunta sa Gaza at sa mga baryo nito. 29 Ang lahi ni Manases ang nagmamay-ari sa mga lungsod ng Bet-sean, Taanac, Megido at Dor, pati sa mga baryo sa paligid nito. Sa mga bayang ito nakatira ang lahi ni Jose na anak ni Israel.

Ang Lahi ni Asher

30 Ang mga lalaking anak ni Asher ay sina Imna, Isva, Isvi, Berias. Ang kapatid nilang babae ay si Sera.

31 Ang mga lalaking anak ni Berias ay sina Heber at Malquiel. Si Malquiel ang ama ni Birzavit.

32 Si Heber ang ama nina Jaflet, Somer, at Hotam. Ang kapatid nilang babae ay si Sua.

33 Ang mga lalaking anak ni Jaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat.

34 Ang mga lalaking anak ni Somer ay sina Ahi, Rohga, Jehuba at Aram.

35 Ang mga anak na lalaki ng kapatid ni Somer na si Helem ay sina Zofa, Imna, Seles at Amal.

36 Ang mga lalaking anak ni Zofa ay sina Suah, Harnefer, Sual, Beri, Imra, 37 Bezer, Hod, Samna, Silsa, Itran, at Beera.

38 Ang mga lalaking anak ni Jeter ay sina Jefune, Pispa at Ara.

39 Ang mga lalaking anak ni Ula ay sina Ara, Haniel at Rizia.

40 Silang lahat ang lahi ni Asher na pinuno ng kanilang mga pamilya. Matatapang silang mandirigma at tanyag na mga pinuno. Ang bilang ng mga lalaki sa lahi ni Asher na handang makipagdigma ay dalawampuʼt anim na libo ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-18_14-04-22-