1 Pumili si David at ang mga kumander ng mga sundalo mula sa mga anak ni Asaf, Heman at Jedutun upang ipahayag ang mensahe ng Diyos na tinutugtugan ng mga alpa, lira at pompyang. Ito ang talaan ng mga pangalan nila at gawain:
2 Mula sa mga lalaking anak ni Asaf ay sina Zacur, Jose, Netanias at Asarela. Naglingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng kanilang ama. Si Asaf ang nagpapahayag ng mensahe ng Diyos kung ipinag-uutos ito ng hari.
3 Mula sa mga lalaking anak ni Jedutun ay sina Gedalias, Zeri, Jesaias, Hashabias, Matitias at Simei, anim silang lahat. Naglingkod din sila sa ilalim ng pamamahala ng ama nilang si Jedutun, na nagpahayag ng mensahe ng Diyos na tinutugtugan ng alpa, na may pasasalamat at papuri sa Panginoon.
4 Mula sa mga lalaking anak ni Heman ay sina Bukias, Matanias, Uziel, Sebuel, Jerimot, Hananias, Hanani, Eliata, Gidalti, Romamti-ezer, Josbecasa, Maloti, Hotir at Mahaziot. 5 Silang lahat ang mga lalaking anak ni Heman na propeta ng hari. Pinarangalan siya ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng labing-apat na anak na lalaki at tatlong anak na babae, ayon sa ipinangako ng Diyos sa kanya.
6 Ang lahat ng mga lalaking ito ay pinamahalaan ng kanilang ama sa pagtugtog nila ng mga pompyang, lira at alpa bilang paglilingkod sa bahay ng Panginoon. Sina Asaf, Jedutun at Heman ay nasa ilalim ng pamamahala ng hari. 7 Sila at ang mga kamag-anak nila, na 288 lahat ay mahuhusay na musikero para sa Panginoon. 8 Nagpalabunutan sila upang malaman ang kanya-kanyang tungkulin, bata man o matanda, guro man o mag-aaral.
9 Ang unang nabunot sa pamilya ni Asaf ay si Jose at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak, labindalawa sila.
Ang ikalawa ay si Gedalias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
10 Ang ikatlo ay si Zacur at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
11 Ang ikaapat ay si Zeri at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
12 Ang ikalima ay si Netanias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
13 Ang ikaanim ay si Bukias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
14 Ang ikapito ay si Jesarela at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
15 Ang ikawalo ay si Jesaias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
16 Ang ikasiyam ay si Matanias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
17 Ang ikasampu ay si Simei at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
18 Ang ikalabing-isa ay si Azarel at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
19 Ang ikalabindalawa ay si Hashabias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
20 Ang ikalabintatlo ay si Sebuel at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
21 Ang ikalabing-apat ay si Matitias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
22 Ang ikalabinlima ay si Jerimot at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
23 Ang ikalabing-anim ay si Hananias at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
24 Ang ikalabimpito ay si Josbecasa at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
25 Ang ikalabingwalo ay si Hanani at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
26 Ang ikalabinsiyam ay si Maloti at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
27 Ang ikadalawampu ay si Eliata at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
28 Ang ikadalawampuʼt isa ay si Hotir at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
29 Ang ikadalawampuʼt dalawa ay si Gidalti at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
30 Ang ikadalawampuʼt tatlo ay si Mahaziot at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.
31 Ang ikadalawampuʼt apat ay si Romamti-ezer at ang mga lalaki niyang anak at mga kamag-anak, labindalawa sila.