Publicidade

1 Crônicas 3

Ang mga Lalaking Anak ni David

1 Ito ang mga lalaking anak ni David na isinilang sa Hebron:

Si Amnon ang panganay, anak niya kay Ahinoam na taga-Jezreel.

Si Daniel ang pangalawa, anak niya kay Abigail na taga-Carmel.

2 Si Absalom ang pangatlo, anak niya kay Maaca na anak ni Haring Talmai ng Gesur.

Si Adonias ang pang-apat, anak niya kay Haguit.

3 Si Sefatias ang panglima, anak niya kay Abital.

Si Itream ang pang-anim, anak niya kay Egla.

4 Silang anim ay isinilang sa Hebron kung saan naghari si David sa loob ng pitong taon at anim na buwan.

Naghari si David sa Jerusalem sa loob ng tatlumpuʼt tatlong taon. 5 At ang mga anak niyang lalaki na isinilang doon ay sina

Simea, Sobab, Natan at Solomon. Silang apat ang anak niya sa asawa niyang si Batsheba na anak ni Amiel.

6 May siyam pa siyang anak na sina Ibhar, Elisama, Elifelet,

7 Noga, Nefeg, Jafia,

8 Elisama, Eliada at Elifelet.

9 Ito lahat ang mga lalaking anak ni David, bukod sa iba pa niyang mga anak na lalaki sa iba pa niyang mga asawa. May anak din si David na babae na si Tamar.

Ang mga Hari ng Juda

10 Ito ang angkan ni Solomon: anak ni Solomon si Rehoboam, si Abias ay anak ni Rehoboam, si Asa ay anak ni Abias, si Jehoshafat ay anak ni Asa. 11 Si Jehoram, ay anak ni Jehoshafat, si Ahazias ay anak ni Jehoram, si Joas ay anak ni Ahazias. 12 Si Amazias ay anak ni Joas, si Azarias, ay anak ni Amazias, si Jotam ay anak ni Azarias. 13 Si Ahaz ay anak ni Jotam, si Ezequias ay anak ni Ahaz, si Manases ay anak ni Ezequias. 14 Si Amon ay anak ni Manases at si Josias ay anak ni Amon.

15 Ito ang mga lalaking anak ni Josias: Ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa ay si Jehoiakim, ang ikatlo ay si Zedequias, at ang ikaapat ay si Salum.

16 Ang pumalit kay Jehoiakim bilang hari ay si Jeconias na kanyang anak. At ang pumalit kay Jeconias ay si Zedequias na kanyang tiyuhin.

Ang Angkan ni Jeconias

17 Ang mga lalaking anak ni Jeconias, ang hari na binihag sa Babilonia ay sina Selatiel, 18 Malquiram, Pedaya, Senazar, Jacamias, Hosama at si Nedabias.

19 Ang mga lalaking anak ni Pedaya ay sina Zerubabel at Simei.

Ang mga lalaking anak ni Zerubabel ay sina Mesulam at Hananias. Ang kapatid nilang babae ay si Selomit. 20 May lima pang anak na lalaki si Zerubabel na sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadias at Jusab-hesed.

21 Ang mga lalaking anak ni Hananias ay sina Pelatias at Jesaias. Si Jesaias ang ama ni Refaias, si Refaias ang ama ni Arnan, si Arnan ang ama ni Obadias, at si Obadias ang ama ni Secanias.

22 Ang angkan ni Secanias ay si Semaias at ang anim niyang anak na lalaki na sina Hatus, Igal, Barias, Nearias at Safat.

23 Ang tatlong lalaking anak ni Nearias ay sina Elioenai, Ezequias at Azrikam.

24 Ang pitong anak na lalaki ni Elioenai ay sina Hodavias, Eliasib, Pelaya, Akub, Johanan, Delaias at Anani.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-18_09-43-29-