Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Pedro 5:2,3,5,7,10

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

2 Pangalagaan ninyo ang kawan Juan 21:16.ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban ng Dios; ni 1 Tim. 3:3,8;Tit. 1:7.hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pagiisip;

3 Ni hindi din naman ang gaya ng kayo’y Mat. 20:25.may pagkapanginoon sa Deut. 9:29.pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo’y maging mga uliran ng kawan.

5 Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa Gawa 11:30.matatanda. Oo, kayong Rom. 12:10.lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo’y Is. 4:2.maglingkuran: sapagka’t ang Kaw. 3:34.Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa’t nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.

7 Na inyong ilagak sa kaniya Awit 37:5.ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka’t kayo’y ipinagmamalasakit niya.

10 At ang Dios ng buong biyaya 1 Cor. 1:9.na sa inyo’y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo’y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas Heb. 13:21.sa inyo.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    2 Alagaan ninyong mabuti ang mga mananampalatayang nasa pangangalaga ninyo. Katulad sila ng mga tupa at kayo ang mga pastol nila. Dapat taos-puso ninyo silang pangalagaan, dahil ito ang nais ng Diyos. Hindi dahil sa napipilitan lang kayo, o dahil sa may hinihintay kayong kapalit, kundi dahil sa nais talaga ninyong makatulong sa kanila. 3 Huwag kayong maghahari-harian sa mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa inyo, kundi maging halimbawa kayo sa kanila.

    5 At kayo namang mga kabataan, magpasakop kayo sa matatanda. At kayong lahat na mga mananampalataya, magpakumbaba kayo at maglingkod sa isaʼt isa, dahil sinasabi ng Kasulatan:

    "Kinamumuhian ng Diyos ang mga mapagmataas,

    ngunit kinakaawaan niya ang mga mapagpakumbaba."5:5 Kaw. 3:34.

    7 Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.

    10 Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Diyos upang maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Kristo.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.