2 Alagaan ninyong mabuti ang mga mananampalatayang nasa pangangalaga ninyo. Katulad sila ng mga tupa at kayo ang mga pastol nila. Dapat taos-puso ninyo silang pangalagaan, dahil ito ang nais ng Diyos. Hindi dahil sa napipilitan lang kayo, o dahil sa may hinihintay kayong kapalit, kundi dahil sa nais talaga ninyong makatulong sa kanila. 3 Huwag kayong maghahari-harian sa mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa inyo, kundi maging halimbawa kayo sa kanila.
5 At kayo namang mga kabataan, magpasakop kayo sa matatanda. At kayong lahat na mga mananampalataya, magpakumbaba kayo at maglingkod sa isaʼt isa, dahil sinasabi ng Kasulatan:
"Kinamumuhian ng Diyos ang mga mapagmataas,
ngunit kinakaawaan niya ang mga mapagpakumbaba."5:5 Kaw. 3:34.
7 Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.
10 Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Diyos upang maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Kristo.