Ang tinig ng Panginoon.
9 At siya’y naparoon sa isang yungib, at tumuloy roon: at, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, at sinabi niya sa kaniya, Ano ang ginagawa mo rito Elias?
11 At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka Ex. 24:12;34:2.sa ibabaw ng bundok sa harap ng Panginoon. At, narito, ang Panginoon ay nagdaan, Ezek. 1:4.at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin, at pinagputolputol ang mga bato sa harap ng Panginoon; nguni’t ang Panginoon ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang lindol; nguni’t ang Panginoon ay wala sa lindol:
12 At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni’t ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay Job 4:16.isang marahang bulong na tinig.
13 At nangyari, nang marinig ni Elias, ay Ex. 3:6.tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal, at lumabas, at tumayo sa pasukan sa yungib. At, narito, dumating ang isang tinig sa kaniya, at nagsabi, Ano ang ginagawa mo rito Elias?