Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Mga Hari 19:9,11-13

OASD Ang Salita ng Diyos

9 Pumasok siya sa isang kuweba at doon nagpalipas ng gabi.

Nakipag-usap ang Panginoon kay Elias

Ngayon, sinabi sa kanya ng Panginoon, "Ano ang ginagawa mo rito Elias?"

11 Nagsalita ang Panginoon, "Lumabas ka at tumayo sa ibabaw ng bundok sa aking presensya, dahil dadaan ako."

Pagkatapos, may dumaan na napakalakas na hangin, na bumitak sa mga bundok at dumurog sa mga bato, ngunit wala ang Panginoon sa hangin. Pagkatapos ng hangin, lumindol, ngunit wala rin ang Panginoon sa lindol. 12 Pagkatapos ng lindol, may apoy na dumating, ngunit wala pa rin ang Panginoon sa apoy. Pagkatapos ng apoy, may narinig siyang tinig na parang bulong. 13 Nang marinig ito ni Elias, nagtakip siya ng kanyang mukha gamit ang kanyang balabal, lumabas siya at tumayo sa bungad ng kuweba.

Biglang may tinig na nagsabi sa kanya, "Ano ang ginagawa mo rito, Elias?"

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    9 At siya’y naparoon sa isang yungib, at tumuloy roon: at, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, at sinabi niya sa kaniya, Ano ang ginagawa mo rito Elias?

    11 At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka Ex. 24:12;34:2.sa ibabaw ng bundok sa harap ng Panginoon. At, narito, ang Panginoon ay nagdaan, Ezek. 1:4.at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin, at pinagputolputol ang mga bato sa harap ng Panginoon; nguni’t ang Panginoon ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang lindol; nguni’t ang Panginoon ay wala sa lindol:

    12 At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni’t ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay Job 4:16.isang marahang bulong na tinig.

    13 At nangyari, nang marinig ni Elias, ay Ex. 3:6.tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal, at lumabas, at tumayo sa pasukan sa yungib. At, narito, dumating ang isang tinig sa kaniya, at nagsabi, Ano ang ginagawa mo rito Elias?

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.