Ang karunungan ni Salomon.
29 At binigyan ng Dios si Salomon ng karunungan, at 1 Hari 3:12.di kawasang katalinuhan at kaluwagan ng puso, gaya ng buhanging nasa tabi ng dagat.
30 At ang karunungan ni Salomon ay mahigit kay sa karunungan ng lahat na anak Huk. 6:3.ng silanganan, at kay sa buong karunungan ng Gawa 7:22.Egipto.
31 Sapagka’t lalong pantas kay sa lahat ng mga tao; 1 Hari 3:12.kay sa kay Ethan na 1 Cron. 15:17,19;Awit 89: titik.Ezrahita, at kay Eman, at kay Calchol, at kay Darda, na mga anak ni Mahol: at ang kaniyang kabantugan ay lumipana sa lahat ng mga bansa sa palibot.
32 At siya’y nagsalita ng tatlong libong kawikaan; at ang kaniyang mga awit ay isang libo at lima.
33 At siya’y nagsalita ng tungkol sa mga punong kahoy, mula sa sedro na nasa Libano hanggang sa isopo na sumisibol sa pader: siya’y nagsalita rin ng tungkol sa mga hayop, at sa mga ibon, at sa nagsisiusad at sa mga isda.
34 At naparoon ang mga taong mula sa lahat na bayan, upang marinig ang karunungan ni Salomon 1 Hari 10:1;2 Cron. 9:23.na mula sa lahat na hari sa lupa, na nakabalita ng kaniyang karunungan.