29 Binigyan ng Diyos si Solomon ng di-pangkaraniwang karunungan at pang-unawa, at kaalaman na hindi masukat. 30 Ang kaalaman niya ay higit pa sa kaalaman ng lahat ng matatalino sa silangan at sa Ehipto. 31 Siya ang pinakamatalino sa lahat. Mas matalino pa siya kaysa kay Etan na Ezrano at sa mga anak ni Mahol na sina Heman, Calcol at Darda. At naging tanyag siya sa mga nakapaligid na bansa. 32 Gumawa siya ng 3,000 kawikaan at 1,005 awit. 33 Makapagsasabi siya ng tungkol sa lahat ng uri ng pananim, mula sa malalaking punongkahoy hanggang sa maliliit na pananim.4:33 mula sa malalaking … pananim: Sa literal, mula sa sentro ng Lebanon hanggang sa isopo na tumutubo sa dingding. Makapagsasabi rin siya tungkol sa lahat ng uri ng hayop na lumalakad, gumagapang, lumilipad, at lumalangoy. 34 Nabalitaan ng lahat ng hari sa mundo ang karunungan ni Solomon, kaya nagpadala sila ng mga tao para makinig sa kanyang karunungan.
1 Mga Hari 4:29-34
Em outras traduções
- ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)
29 At binigyan ng Dios si Salomon ng karunungan, at 1 Hari 3:12.di kawasang katalinuhan at kaluwagan ng puso, gaya ng buhanging nasa tabi ng dagat.
30 At ang karunungan ni Salomon ay mahigit kay sa karunungan ng lahat na anak Huk. 6:3.ng silanganan, at kay sa buong karunungan ng Gawa 7:22.Egipto.
31 Sapagka’t lalong pantas kay sa lahat ng mga tao; 1 Hari 3:12.kay sa kay Ethan na 1 Cron. 15:17,19;Awit 89: titik.Ezrahita, at kay Eman, at kay Calchol, at kay Darda, na mga anak ni Mahol: at ang kaniyang kabantugan ay lumipana sa lahat ng mga bansa sa palibot.
32 At siya’y nagsalita ng tatlong libong kawikaan; at ang kaniyang mga awit ay isang libo at lima.
33 At siya’y nagsalita ng tungkol sa mga punong kahoy, mula sa sedro na nasa Libano hanggang sa isopo na sumisibol sa pader: siya’y nagsalita rin ng tungkol sa mga hayop, at sa mga ibon, at sa nagsisiusad at sa mga isda.
34 At naparoon ang mga taong mula sa lahat na bayan, upang marinig ang karunungan ni Salomon 1 Hari 10:1;2 Cron. 9:23.na mula sa lahat na hari sa lupa, na nakabalita ng kaniyang karunungan.
Direitos das traduções citadas
Estes versículos te tocaram? Ore agora!
+581 estão orando agora.
Junte-se à corrente de oração.