14 Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka’t 1 Cor. 10:21;Ef. 5:7,11.anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?
15 At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?
16 At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? 1 Cor. 3:16.sapagka’t tayo’y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Lev. 26:12.Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan.
17 Kaya nga,
Is. 52:11.Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo,
sabi ng Panginoon,
At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi,
At kayo’y aking tatanggapin,