Babala sa Pagsamba sa Diyos-diyosan
14 Huwag kayong makisama sa mga hindi mananampalataya. Sapagkat hindi maaaring magkaisa ang kabutihan at kasamaan, gaya ng liwanag at dilim, hindi rin sila maaaring magsama. 15 At kung paanong hindi magkasundo si Kristo at si Satanas6:15 Satanas: Sa Griyego, Beliar., ganoon din naman ang mananampalataya at ang hindi mananampalataya. 16 Hindi maaaring magsama ang mga diyos-diyosan at ang Diyos sa iisang templo. At tayo ang Templo ng Diyos na buháy! Gaya ng sinabi ng Diyos,
"Mananahan akoʼt mamumuhay sa kanilang piling.
Akoʼy magiging Diyos nila,
at silaʼy magiging mga taong sakop ko."6:16 Bil. 26:12; Jer. 32:8; Eze. 37:27.
17 "Kaya lumayo kayo at humiwalay sa kanila.
Layuan ninyo ang itinuring na marumi
at tatanggapin ko kayo."6:17 Isa. 52:11; Eze. 20:34, 41.