Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Mga Taga Corinto 8:1-5

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

1 Bukod dito, mga kapatid, ay ipinatatalastas namin sa inyo ang biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa mga iglesia ng Gawa 16:12.Macedonia;

2 Kung paanong sa maraming pagsubok sa kapighatian ang kasaganaan ng kanilang katuwaan at ang kanilang malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob.

3 Sapagka’t ayon sa kanilang kaya, ay nagpapatotoo ako at higit pa sa kanilang kaya, ay nagsiabuloy sila sa sariling kalooban,

4 Na lubhang ipinamamanhik sa amin ang tungkol sa biyayang ito at Gawa 24:17;Rom. 15:25,26.sa pakikisama 1 Cor. 16:15;2 Cor. 9:1.sa pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal:

5 At ito, ay hindi ayon sa aming inaasahan, kundi ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon, at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Dios.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    1 Ngayon mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang ginawa ng mga iglesya sa Macedonia dahil sa biyaya ng Diyos sa kanila. 2 Sa gitna ng matinding kahirapang dinanas nila, nag-uumapaw ang kanilang kaligayahan at mula sa kanilang labis na paghihikahos, bukás-palad ang kanilang pagbibigay. 3 Makapagpapatotoo ako sa inyo na kusang-loob silang nagbigay at higit pa nga sa kanilang makakaya. 4 Sapagkat sila na mismo ang paulit-ulit na nakiusap sa amin na bigyan sila ng pagkakataong makatulong sa mga mananampalataya. 5 At higit pa nga sa aming inaasahan ang kanilang ginawa, dahil una sa lahat, inialay nila ang kanilang mga sarili sa Panginoon at sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.