Ang Pagtulong sa mga Lingkod ng Diyos
1 Ngayon mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang ginawa ng mga iglesya sa Macedonia dahil sa biyaya ng Diyos sa kanila. 2 Sa gitna ng matinding kahirapang dinanas nila, nag-uumapaw ang kanilang kaligayahan at mula sa kanilang labis na paghihikahos, bukás-palad ang kanilang pagbibigay. 3 Makapagpapatotoo ako sa inyo na kusang-loob silang nagbigay at higit pa nga sa kanilang makakaya. 4 Sapagkat sila na mismo ang paulit-ulit na nakiusap sa amin na bigyan sila ng pagkakataong makatulong sa mga mananampalataya. 5 At higit pa nga sa aming inaasahan ang kanilang ginawa, dahil una sa lahat, inialay nila ang kanilang mga sarili sa Panginoon at sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos.