Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Mga Hari 20:1-5

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

Si Ezechias ay may sakit. Ang buhay ay pinahaba.

1 Nang mga araw na 2 Cron. 32:24; Hanggang11;Is. 38:1-8,21,22.yaon ay may sakit na ikamamatay si Ezechias. At si Isaias na propeta na anak ni Amos ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayusin mo ang iyong bahay; sapagka’t ikaw ay mamamatay, at hindi mabubuhay.

2 Nang magkagayo’y kaniyang ipinihit ang kaniyang mukha sa panig ng bahay, at nanalangin sa Panginoon, na nagsasabi,

3 Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon, na iyong Neh. 5:19.alalahanin, kung paanong ako’y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso at 2 Hari 18:3.gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak na mainam.

4 At nangyari, bago si Isaias ay lumabas sa pinakaloob ng bayan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsasabi,

5 Bumalik ka uli, at sabihin mo kay Ezechias na 1 Sam. 9:16;10:1.pangulo ng aking bayan. Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ni David na iyong magulang, 2 Hari 19:20;Awit 65:2.Aking narinig ang iyong Awit 39:12;56:8.panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking pagagalingin ka: sa ikatlong araw ay sasampa ka sa bahay ng Panginoon.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    1 Sa mga panahong iyon, nagkasakit si Ezequias at halos ikamatay niya ito. Pumunta sa kanya si Propeta Isaias na anak ni Amoz at sinabi, "Sinabi ng Panginoon na magbilin ka na sa sambahayan mo dahil hindi ka na gagaling; mamamatay ka na."

    2 Nang marinig ito ni Ezequias, humarap siya sa dingding at nanalangin sa Panginoon. 3 Sinabi niya, "Panginoon, alalahanin po ninyo kung papaano ako namuhay nang tapat at buong pusong naglingkod sa inyo at kung papaano ako gumawa ng mabuti sa paningin ninyo." At umiyak siya nang husto.

    4 Nang hindi pa nakakaalis si Isaias sa gitna ng bulwagan ng palasyo, sinabi sa kanya ng Panginoon, 5 "Bumalik ka kay Ezequias, na pinuno ng mga mamamayan ko at sabihin mo ito: ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng ninuno mong si David: Narinig ko ang panalangin mo at nakita ko ang mga luha mo kaya pagagalingin kita. Sa ikatlong araw mula ngayon, makakabangon ka na at makakapunta ka sa Templo ng Panginoon.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.