Ang Pagkakasakit ni Ezequias
1 Sa mga panahong iyon, nagkasakit si Ezequias at halos ikamatay niya ito. Pumunta sa kanya si Propeta Isaias na anak ni Amoz at sinabi, "Sinabi ng Panginoon na magbilin ka na sa sambahayan mo dahil hindi ka na gagaling; mamamatay ka na."
2 Nang marinig ito ni Ezequias, humarap siya sa dingding at nanalangin sa Panginoon. 3 Sinabi niya, "Panginoon, alalahanin po ninyo kung papaano ako namuhay nang tapat at buong pusong naglingkod sa inyo at kung papaano ako gumawa ng mabuti sa paningin ninyo." At umiyak siya nang husto.
4 Nang hindi pa nakakaalis si Isaias sa gitna ng bulwagan ng palasyo, sinabi sa kanya ng Panginoon, 5 "Bumalik ka kay Ezequias, na pinuno ng mga mamamayan ko at sabihin mo ito: ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng ninuno mong si David: Narinig ko ang panalangin mo at nakita ko ang mga luha mo kaya pagagalingin kita. Sa ikatlong araw mula ngayon, makakabangon ka na at makakapunta ka sa Templo ng Panginoon.