12 At nasaysay sa haring kay David, na sinasabi, Pinagpala ng Panginoon ang sangbahayan ni Obed-edom, at ang lahat ng nauukol sa kaniya, dahil sa kaban ng Dios. 1 Cron. 15:25.At yumaon si David at iniahon ang kaban ng Dios mula sa bahay ni Obed-edom, hanggang sa bayan ni David, na may kagalakan.
13 At nagkagayon na nang yaong mga nagdadala ng kaban ng Panginoon ay makalakad ng anim na hakbang, siya’y naghain ng isang 1 Cron. 15:26.baka at isang pinataba.
14 At nagsayaw si Ex. 15:20;Awit 30:11.David ng kaniyang buong lakas sa harap ng Panginoon; at si David ay nabibigkisan ng 1 Sam. 2:18.isang epod na lino.
15 Sa gayo’y iniahon ni David at ng buong sangbahayan ng Israel ang kaban ng Panginoon, na may hiyawan, at may tunog ng pakakak.