Ang kaniyang pananagumpay laban sa Filisteo at Moab.
1 At pagkatapos Hanggang tal.18;1 Cron. 18:1-17.nito ay nangyari na sinaktan ni David ang mga Filisteo at mga pinasuko: at kinuha ni David ang Metheg-amma sa kamay ng mga Filisteo.
2 Blg. 24:17;2 Hari 1:1;3:5,24-27.At kaniyang sinaktan ang Moab, at sinukat niya sila ng tali, na pinahiga sila sa lupa; at kaniyang sinukat ng dalawang tali upang patayin, at ng isang buong tali upang buhayin. tal. 6, 14.At ang mga Moabita ay naging mga alipin ni David, 2 Hari 17:3.at nagsipagdala ng mga kaloob.
3 Sinaktan din ni David si 1 Cron. 18:3.Hadadezer na anak ni Rehob, na hari sa 1 Sam. 14:47.Soba, habang siya’y yumayaon upang bawiin ang kaniyang pamumuno sa Ilog.
4 At kinuha ni David sa kaniya ang isang libo at pitong daan na mangangabayo, at dalawang pung libo na naglalakad: at Jos. 11:6.pinilayan ni David ang lahat ng mga kabayo ng mga karo, nguni’t sa mga yaon ay nagtaan ng sa isang daang karo.
5 1 Hari 11:23-25.At nang sumaklolo ang mga taga Siria sa Damasco kay Hadadezer na hari sa Soba, ay sinaktan ni David sa mga taga Siria ang dalawang pu’t dalawang libong tao.
6 Nang magkagayo’y naglagay si David ng mga 1 Sam. 10:5.pulutong sa Siria sa 1 Hari 11:24.Damasco: at ang mga taga Siria ay nangaging mga alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob. At pinapagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumaroon.
7 At kinuha ni David ang mga kalasag na ginto na nangasa lingkod ni Hadadezer, at dinala sa Jerusalem.
8 At sa Beta at sa Berothai na mga bayan ni Hadadezer, ay kumuha ang haring si David ng lubhang maraming tanso.
9 Nang mabalitaan ni Toi na hari sa Hamath na sinaktan ni David ang buong hukbo ni Hadadezer,
10 Sinugo nga ni Toi 1 Cron. 18:10.si Joram na kaniyang anak sa haring David, upang bumati sa kaniya, at upang purihin siya, sapagka’t siya’y nakipagdigma laban kay Hadadezer at sinaktan niya siya: sapagka’t si Hadadezer ay nagkaroon ng mga pakikipagbaka kay Toi. At nagdala si Joram ng mga sisidlang pilak, at mga sisidlang ginto, at mga sisidlang tanso:
11 Na itinalaga naman ni David sa Panginoon ang 1 Hari 7:51.mga ito, na kasama ng pilak at ng ginto na kaniyang itinalaga na mula sa lahat ng mga bansa na kaniyang pinasuko;
12 Sa Siria, at sa Moab, at sa 2 Sam. 10:14;12:30.mga anak ni Ammon, at sa mga 2 Sam. 5:17-25.Filisteo, at sa 1 Sam. 30:20.Amalec, at sa samsam kay Hadadezer na anak ni Rehob na hari sa Soba.
Kinuha ang Edom.
13 At nabantog si David nang siya’y bumalik na mula sa 2 Hari 14:7.pagsakit sa mga taga Siria sa Libis na Alat, sa makatuwid baga’y sa labing walong libong lalake.
14 At naglagay siya ng mga pulutong sa Edom; sa buong Edom ay naglagay siya ng mga pulutong, at ang Gen. 25:23;27:29,37,40.lahat na Idumeo ay nangaging alipin ni David. At pinapagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumaroon.
15 At naghari si David sa buong Israel; at iginawad ni David ang kahatulan at ang katuwiran sa kaniyang buong bayan.
16 2 Sam. 2:32;20:23.At si Joab na anak ni Sarvia ay nasa hukbo; at si 1 Hari 4:3.Josaphat na anak ni Ahilud ay 2 Hari 18:18,37;2 Cron. 34:8.kasangguni:
17 At si 1 Cron. 6:8.Sadoc na anak ni Ahitub at si Ahimelech na anak ni Abiathar ay mga saserdote; at si Seraia ay kalihim;
18 At si 1 Hari 1:8;2:25,29,34,35,46;4:4;1 Cron. 11:22,24.Benahia na anak ni Joiada ay nasa mga 1 Sam. 30:14.Ceretheo at sa mga 2 Sam. 15:18;20:7;1 Hari 1:38.Peletheo; at ang mga anak ni David ay mga pangulong tagapangasiwa.