14 At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Apoc. 1:11.Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo.
15 At nang siya’y mabautismuhan na, Gawa 11:14.at ang kaniyang mga kasangbahay, ay namanhik siya sa amin, na sinasabi, Kung inyong inaakalang ako’y tapat sa Panginoon, ay magsipasok kayo sa aking bahay, at kayo’y magsitira doon. At kami’y pinilit niya.
30 At sila’y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?
31 At kanilang sinabi, Juan 6:47.Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at Gawa 11:14.ang iyong sangbahayan.
32 At sa kaniya’y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay.
33 At sila’y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka’y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya.