Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Gawa 16:14,15,30-33

OASD Ang Salita ng Diyos

14 Isa sa mga nakikinig sa amin ay si Lydia na taga-Tiatira. Siyaʼy isang negosyante ng mga mamahaling telang kulay lila, at sumasamba siya sa Diyos. Binuksan ng Panginoon ang kanyang puso upang tanggapin ang mga sinasabi ni Pablo. 15 Nagpabautismo siya at ang kanyang pamilya. Pagkatapos, sinabi niya, "Kung naniniwala kayo na ako ay isa nang tunay na mananampalataya sa Panginoon, doon na kayo tumuloy sa aking bahay." At nakumbinsi niya kami.

30 Pagkatapos, dinala niya sina Pablo sa labas at tinanong, "Mga ginoo, ano ang dapat kong gawin upang maligtas?"

31 Sumagot sila, "Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus at maliligtas ka at ang iyong pamilya." 32 At ipinangaral nina Pablo ang salita ng Panginoon sa kanya at sa lahat ng miyembro ng kanyang pamilya. 33 Kahit malalim na ang gabi, isinama sila ng guwardiya at hinugasan ang mga sugat nila. Pagkatapos nito, agad siyang nagpabautismo kasama ang kanyang buong pamilya.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    14 At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Apoc. 1:11.Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo.

    15 At nang siya’y mabautismuhan na, Gawa 11:14.at ang kaniyang mga kasangbahay, ay namanhik siya sa amin, na sinasabi, Kung inyong inaakalang ako’y tapat sa Panginoon, ay magsipasok kayo sa aking bahay, at kayo’y magsitira doon. At kami’y pinilit niya.

    30 At sila’y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?

    31 At kanilang sinabi, Juan 6:47.Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at Gawa 11:14.ang iyong sangbahayan.

    32 At sa kaniya’y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay.

    33 At sila’y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka’y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.