Pular para o conteúdo
Publicidade

Ang Mga Gawa 22:25-28

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

25 At nang siya’y kanilang magapos na ng mga panaling katad, ay sinabi ni Pablo sa senturiong nakatayo sa malapit, Gawa 16:37.Matuwid baga sa iyo na hampasin ang isang taong taga Roma, na hindi pa nahahatulan?

26 At nang ito’y marinig ng senturion, ay naparoon siya sa pangulong kapitan at sa kaniya’y ipinagbigay-alam, na sinasabi, Ano baga ang gagawin mo? sapagka’t ang taong ito ay taga Roma.

27 At lumapit ang pangulong kapitan at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa akin, ikaw baga’y taga Roma? At sinabi niya, Oo.

28 At sumagot ang pangulong kapitan, Binili ko ng totoong mahal ang pagkamamamayang ito. At sinabi ni Pablo, Nguni’t ako’y katutubong taga Roma.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    25 Nang iginagapos na nila si Pablo para hagupitin, sinabi niya sa kapitan na nakatayo roon, "Naaayon ba sa batas na hagupitin ninyo ang isang Romano kahit hindi pa napatunayang may kasalanan siya?"

    26 Nang marinig ito ng kapitan, pumunta siya sa kumander at sinabi, "Ano itong ipinapagawa mo? Romano pala ang taong iyon!"

    27 Kaya pumunta ang kumander kay Pablo at nagtanong, "Romano ka ba?"

    "Opo," sagot ni Pablo.

    28 Sinabi ng kumander, "Ako rin ay naging Romano sa pamamagitan ng pagbayad ng malaking halaga."

    Sumagot si Pablo, "Ngunit akoʼy isinilang na isang Romano!"

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.