25 Nang iginagapos na nila si Pablo para hagupitin, sinabi niya sa kapitan na nakatayo roon, "Naaayon ba sa batas na hagupitin ninyo ang isang Romano kahit hindi pa napatunayang may kasalanan siya?"
26 Nang marinig ito ng kapitan, pumunta siya sa kumander at sinabi, "Ano itong ipinapagawa mo? Romano pala ang taong iyon!"
27 Kaya pumunta ang kumander kay Pablo at nagtanong, "Romano ka ba?"
"Opo," sagot ni Pablo.
28 Sinabi ng kumander, "Ako rin ay naging Romano sa pamamagitan ng pagbayad ng malaking halaga."
Sumagot si Pablo, "Ngunit akoʼy isinilang na isang Romano!"