Pular para o conteúdo
Publicidade

Ang Mga Gawa 25:10-12

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

10 Datapuwa’t sinabi ni Pablo, Nakatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar, na doon ako dapat hatulan: wala akong ginawang anomang kasamaan sa mga Judio, gaya rin naman ng pagkatalastas mong mabuti.

11 Kung ako nga’y isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwa’t kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako Gawa 26:32;28:19.kay Cesar.

12 Nang magkagayon si Festo, nang makapagpanayam na sa Sanedrin, ay sumagot, Naghabol ka kay Cesar; kay Cesar ka paparoon.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    10 Sumagot si Pablo, "Nandito na ako sa korte ng Emperador, kaya dito nʼyo ako dapat litisin. Wala akong nagawang kasalanan sa mga Hudyo at alam naman ninyo ʼyan. 11 Kung totoong lumabag ako sa kautusan at dapat akong parusahan ng kamatayan, tatanggapin ko ang hatol sa akin. Ngunit kung walang katotohanan ang kanilang akusasyon sa akin, hindi ako dapat ipagkatiwala sa kanila. Aapela ako Emperador ng Roma!"

    12 Nakipag-usap agad si Festo sa mga miyembro ng kanyang korte, at pagkatapos ay sinabi niya kay Pablo, "Dahil gusto mong umapela sa Emperador, ipapadala kita sa kanya."

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.