10 Sumagot si Pablo, "Nandito na ako sa korte ng Emperador, kaya dito nʼyo ako dapat litisin. Wala akong nagawang kasalanan sa mga Hudyo at alam naman ninyo ʼyan. 11 Kung totoong lumabag ako sa kautusan at dapat akong parusahan ng kamatayan, tatanggapin ko ang hatol sa akin. Ngunit kung walang katotohanan ang kanilang akusasyon sa akin, hindi ako dapat ipagkatiwala sa kanila. Aapela ako Emperador ng Roma!"
12 Nakipag-usap agad si Festo sa mga miyembro ng kanyang korte, at pagkatapos ay sinabi niya kay Pablo, "Dahil gusto mong umapela sa Emperador, ipapadala kita sa kanya."