Si Daniel at ang kaniyang tatlong kaibigan ay hindi kumain ng pagkain ng hari.
1 Nang ikatlong taon ng paghahari ni Joacim na hari sa Juda, ay 2 Hari 24:1,2;2 Cron. 36:6.dumating sa Jerusalem si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kinubkob niya yaon.
2 At ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay si Joacim na hari sa Juda, sangpu ng 2 Hari 24:13;25:15.bahagi ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios; at ang mga yao’y Zac. 5:11.dinala niya sa lupain ng Sinar sa bahay ng kaniyang dios: 2 Cron. 36:8;Ezra 1:7.at ipinasok niya ang mga kasangkapan sa silid ng kayamanan ng kaniyang dios.
3 At ang hari ay nagsalita kay Aspenaz, na puno ng kaniyang mga bating, na siya’y magdala ng ilan sa mga anak ni Israel, sa makatuwid baga’y sa lahing hari at sa mga mahal na tao;
4 Mga binatang walang kapintasan, kundi may mabubuting bikas, at matatalino sa lahat na karunungan, at bihasa sa kaalaman, at nakakaunawa ng dunong, at may ganyang kakayahan na makatayo sa palacio ng hari; at kaniyang tuturuan sila ng turo at wika ng mga Caldeo.
5 At ipinagtakda ng hari sila ng bahagi 2 Cron. 31:16.sa araw sa pagkain ng hari, at sa alak na kaniyang iniinom, at sila’y kakandilihin na tatlong taon; upang sa wakas niyao’y 1 Hari 10:8.mangakatayo sila sa harap ng hari.
6 Na sa mga ito nga, sa mga anak ni Juda, si Daniel, si tal. 11, 19;Dan. 2:17.Ananias, si Misael, at si Azarias.