1 Kung may bumangon sa gitna mo na isang manghuhula, o isang Zac. 10:2.mapanaginipin ng mga panaginip, at Mat. 7:22,23;24:24;2 Tes. 2:9.kaniyang bigyan ka ng isang tanda o kababalaghan,
2 At Deut. 18:22;Jer. 28:9.ang tanda o ang kababalaghan ay mangyari, na kaniyang pagsalitaan ka, na sabihin, Sumunod tayo sa ibang mga dios, na hindi mo nakikilala, at ating paglingkuran sila;
3 Ay huwag mong didinggin ang mga salita ng manghuhulang yaon, o ng mapanaginiping yaon ng mga panaginip: sapagka’t sinusubok Deut. 8:2.kayo ng Panginoon ninyong Dios, upang maalaman kung iniibig ninyo ang Panginoon ninyong Dios ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa.
4 2 Hari 23:3;2 Cron. 34:31.Kayo’y lalakad ayon sa Panginoon ninyong Dios, at matatakot sa kaniya, at gaganap ng kaniyang mga utos, at susunod sa kaniyang tinig at maglilingkod sa kaniya at Deut. 10:20.lalakip sa kaniya.