Pular para o conteúdo
Publicidade

Deuteronomio 23

Ang mga tao na di dapat na pumasok sa kapisanan.

1 Ang nasaktan sa mga iklog, o ang may lihim na sangkap na putol ng katawan ay hindi makapapasok sa kapisanan ng Panginoon.

2 Isang Zac. 9:6.anak sa ligaw ay huwag papasok sa kapisanan ng Panginoon; hanggang sa ikasangpung salin ng lahi ay walang sa kaniya’y makapapasok sa kapisanan ng Panginoon.

3 Neh. 13:1,2.Huwag papasok ang isang Ammonita o Moabita sa kapulungan ng Panginoon; hanggang sa ikasangpung salin ng lahi ay walang nauukol sa kanila na makapapasok magpakailan man sa kapisanan ng Panginoon:

4 Deut. 2:29.Sapagka’t hindi kayo sinalubong nila ng tinapay at ng tubig sa daan, nang kayo’y umalis sa ; at Blg. 22:5-6;2 Ped. 2:15.sapagka’t kanilang inupahan laban sa iyo si na anak ni mula sa Pethor ng upang sumpain ka.

5 Gayon ma’y hindi dininig ng Panginoon mong Dios si ; kundi pinapaging pagpapala ng Panginoon mong Dios, ang Blg. 23:11.sumpa sa iyo; sapagka’t iniibig ka ng Panginoon mong Dios.

6 Ezra 9:12.Huwag mong hahanapin ang kanilang kapayapaan o ang kanilang ikasusulong sa lahat ng iyong araw magpakailan man.

7 Huwag mong kasusuklaman ang Idumeo; Gen. 25:24,26;Oba. 10,12.sapagka’t siya’y iyong kapatid: huwag mong kasusuklaman ang taga Egipto; sapagka’t ikaw ay Ex. 22:21;23:9;Lev. 19:34;Deut. 10:19.nakipamayan sa kaniyang lupain.

8 Ang mga anak ng ikatlong salin ng lahi nila na ipinanganak sa kanila ay makapapasok sa kapisanan ng Panginoon.

Batas tungkol sa pagbabawa.

9 Pagka ikaw ay lalabas sa kampamento laban sa iyong mga kaaway, ay magbabawa ka nga sa iyo sa bawa’t masamang bagay.

10 Lev. 15:16.Kung magkaroon sa iyo ng sinomang lalake, na hindi malinis dahil sa anomang nangyari sa kaniya ng kinagabihan, ay lalabas nga sa kampamento, hindi siya papasok sa kampamento:

11 Nguni’t mangyayari kinahapunan, na siya’y Lev. 15:5.maliligo sa tubig: at pagka ang araw ay nakalubog na, ay papasok siya sa kampamento.

12 Ikaw ay magkakaroon naman, ng isang pook sa labas ng kampamento, na iyong lalabasan:

13 At ikaw ay magkakaroon din ng isang pala sa kasamahan ng iyong mga kasangkapan; at mangyayari, na pagka ikaw ay palilikod sa labas ay huhukay ka, at ikaw ay babalik at tatabunan mo ang ipinalikod mo:

14 Sapagka’t ang Panginoon mong Dios ay Lev. 26:12.lumalakad sa gitna ng iyong kampamento, upang iligtas ka, at ibigay ang iyong mga kaaway sa harap mo; kaya’t ang iyong kampamento ay magiging banal: upang huwag siyang makakita ng anomang maruming bagay sa iyo, at baka humiwalay sa iyo.

15 1 Sam. 30:15.Huwag mong ibibigay sa kaniyang panginoon ang isang aliping nagtanan sa kaniyang panginoon na napasa iyo:

16 Siya’y tatahang kasama mo, sa gitna mo, sa dakong kaniyang pipiliin sa loob ng isa sa iyong mga pintuang-daan na kaniyang magalingin: Ex. 22:21.huwag mo siyang pipighatiin.

17 Lev. 19:29.Huwag kang magkakaroon ng masamang babae sa mga anak ng , ni magkakaroon ng 2 Hari 23:7.sodomita sa mga anak ng .

18 Huwag mong dadalhin ang bayad sa isang masamang babae, o ang kaupahan sa isang aso, sa bahay ng Panginoon mong Dios sa anomang panata: sapagka’t ang mga ito ay kapuwa karumaldumal sa Panginoon mong Dios.

Batas tungkol sa pagpapahiram na may tubo.

19 Ex. 22:25;Luc. 6:34.Huwag kang magpapahiram na may tubo sa iyong kapatid; tubo ng salapi, tubo ng kakanin, tubo ng anomang bagay na ipinahihiram na may tubo:

20 Lev. 19:34;Deut. 15:3.Sa isang taga ibang lupa ay makapagpapahiram ka na Deut. 15:10.may tubo; nguni’t sa iyong kapatid ay huwag kang magpapahiram na may tubo: upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng pagpapatungan mo ng iyong kamay, sa lupain na iyong pinapasok upang ariin.

Tungkol sa panata.

21 Blg. 30.Pagka ikaw ay magpapanata ng isang panata sa Panginoon mong Dios, ay huwag kang magluluwat ng pagtupad: sapagka’t walang pagsalang uusisain sa iyo ng Panginoon mong Dios; at magiging kasalanan sa iyo.

22 Nguni’t kung ikaw ay magbawang manata, ay hindi magiging kasalanan, sa iyo:

23 Ang nabuka sa iyong mga labi ay Awit 66:13-14;76:11.iyong gaganapin at gagawin; ayon sa iyong ipinanata sa Panginoon mong Dios, na isang kusang handog, na ipinangako mo ng iyong bibig.

24 Pagka ikaw ay pumasok sa ubasan ng iyong kapuwa, ay Mat. 12:1;Mar. 2:23;Luc. 6:1.makakakain ka nga ng mga ubas sa iyong kagustuhan hanggang sa ikaw ay mabusog; nguni’t huwag kang maglalagay sa iyong sisidlan.

25 Pagka ikaw ay pumasok sa nangakatayong trigo ng iyong kapuwa, ay makikitil mo nga ng iyong kamay ang mga uhay; nguni’t huwag mong gagalawin ng karit ang nakatayong trigo ng iyong kapuwa.

Lugar Bíblico
Região / Território
Egito
Hoje: Egito (Vale do Nilo)
מִצְרַ֫יִםmitsrayimΑἴγυπτοςAiguptos
30,13° N, 31,31° L
Citado em 658 versículos
Ver página completa
Pessoa
H1109a
Balaão
בִּלְעָ֣םbiləam
Balaão, filho de Beor, foi chamado por Balaque, rei de Moabe, para amaldiçoar Israel, mas Deus o impediu e ele abençoou o povo (Números 22:5).
Citado em 59 versículos
Ver página completa
Pessoa
H1160
Beor
בְּע֗וֹרbəor
Beor foi o pai de Balaão, o adivinho que Balaque chamou para amaldiçoar Israel (Números 22:5).
Significado: “Talvez um incêndio”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Mesopotâmia
Hoje: Harrã (Şanlıurfa), Turquia
אֲרַם נַהֲרַיִםaram naharayimΜεσοποταμίαMesopotamia
36,86° N, 39,03° L
Citado em 7 versículos
Ver página completa
Pessoa
H1109a
Balaão
בִּלְעָ֣םbiləam
Balaão, filho de Beor, foi chamado por Balaque, rei de Moabe, para amaldiçoar Israel, mas Deus o impediu e ele abençoou o povo (Números 22:5).
Citado em 59 versículos
Ver página completa
Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Todos os capítulos de Deuteronomio 34
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.