Pular para o conteúdo
Publicidade

Deuteronomio 14:22,23,26,28,29

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

22 Deut. 12:6,17.Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat na bunga ng iyong binhi na nanggagaling taontaon sa iyong bukid.

23 At Deut. 12:5,7,17,18.iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, Deut. 12:6.at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi.

26 At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at Deut. 12:7.iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan;

28 Deut. 26:12;Amos 4:4.Sa katapusan ng bawa’t tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasangpung bahagi ng iyong bunga ng taong yaon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan:

29 At ang Levita, sapagka’t siya’y walang bahagi ni mana na kasama mo, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nangasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay magsisiparoon at magsisikain at mangabubusog; Deut. 15:10;24:19;Mal. 3:10.upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay sa iyong ginagawa.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    22 Dapat ninyong ibukod ang ikasampung bahagi ng lahat ng ani ng inyong bukid bawat taon. 23 Dalhin ninyo ang ikasampung bahagi ng trigo, bagong alak at langis, at ang panganay ng inyong mga hayop sa lugar na pipiliin ng Panginoon na inyong Diyos kung saan pararangalan siya. Doon ninyo ito dalhin sa kanyang presensya. Gawin ninyo ito para matuto kayo na laging gumalang sa Panginoon na inyong Diyos. 26 Pagkatapos, ang pilak na iyon ang ipambili ninyo ng baka, tupa, alak o ng iba pang inumin, o ng anumang magustuhan ninyo. Pagkatapos, kainin ninyo ito ng inyong pamilya sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos at magsaya.

    28 Sa pagtatapos ng bawat tatlong taon, tipunin ninyo ang ikasampung bahagi inyong ng ani sa taong iyon, at dalhin ninyo ito sa pinagtataguan nito sa mga bayan ninyo. 29 Ibigay ninyo ito sa mga Levita na walang minanang lupa, sa mga dayuhan na naninirahang kasama ninyo, sa mga ulila at sa mga biyuda sa bayan ninyo upang makakain din sila at mabusog. Kapag ginawa ninyo ito, pagpapalain kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng ginagawa ninyo.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.