Pular para o conteúdo
Publicidade

Eclesiastes 4:6-8

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

6 Kaw. 15:16.Maigi ang isang dakot na may katahimikan, kay sa dalawang dakot na may kahirapan at walang kabuluhan.

7 Nang magkagayo’y bumalik ako at aking nakita ang walang kabuluhan sa ilalim ng araw.

8 May isa na nagiisa, at siya’y walang pangalawa; oo, siya’y walang anak o kapatid man; gayon ma’y walang wakas sa lahat niyang gawa, ni nasisiyahan man ang kaniyang mga Kaw. 27:20;1 Juan 2:16.mata sa mga kayamanan. Dahil kanino nga, Awit 39:6.sabi niya, nagpapagal ako, at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti? Ito man ay walang kabuluhan, oo, mahirap na damdam.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    6 Mas mabuti pa ang may isang dakot ng pagkain

    at payapa ang buhay

    kaysa sa dalawang dakot ng pagkaing

    dala ng labis na paghihirap,

    at para ka lang humahabol sa hangin.

    7 May nakita pa ako sa mundong ito na walang kabuluhan.

    8 May isang taong nag-iisa sa buhay.

    Wala siyang anak at wala ring kapatid.

    Pero wala siyang tigil sa pagtatrabaho

    at hindi nakokontento sa kanyang kayamanan.

    Sinabi niya sa kanyang sarili, "Hindi na ako nakakapagsaya

    dahil sa sobrang pagtatrabaho.

    Pero wala naman akong mapag-iiwanan

    ng aking mga pinaghirapan."

    Wala itong kabuluhan!

    At napakalungkot ng ganitong klase ng buhay.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.