6 Mas mabuti pa ang may isang dakot ng pagkain
at payapa ang buhay
kaysa sa dalawang dakot ng pagkaing
dala ng labis na paghihirap,
at para ka lang humahabol sa hangin.
7 May nakita pa ako sa mundong ito na walang kabuluhan.
8 May isang taong nag-iisa sa buhay.
Wala siyang anak at wala ring kapatid.
Pero wala siyang tigil sa pagtatrabaho
at hindi nakokontento sa kanyang kayamanan.
Sinabi niya sa kanyang sarili, "Hindi na ako nakakapagsaya
dahil sa sobrang pagtatrabaho.
Pero wala naman akong mapag-iiwanan
ng aking mga pinaghirapan."
Wala itong kabuluhan!
At napakalungkot ng ganitong klase ng buhay.