Publicidade

Eclesiastes 11

Ang Gawain ng Taong Marunong

1 Ipuhunan mo ang pera mo sa negosyo

at sa kalaunan ay kikita ka.

2 Ilagay mo ang pera mo sa ibaʼt ibang negosyo,

dahil hindi mo alam kung anong kalamidad

ang darating dito sa mundo.

3 Kapag makapal na ang ulap,

magbubuhos ito ng ulan sa mundo.

At kung saan natumba ang puno,

doon iyon mananatili.

4 Kung palagi ka lang maghihintay

ng magandang panahon,

hindi ka makakapagtanim

at wala kang aanihin.

5 Kung paanong hindi mo nalalaman

ang direksyon ng hangin

o kung paano lumalaki ang sanggol

sa sinapupunan ng kanyang ina,

hindi mo rin maiintindihan

ang gawa ng Diyos,

ang Manlilikha ng lahat ng bagay.

6 Maghasik ka ng binhi

sa umaga hanggang gabi,

dahil hindi mo alam

kung alin sa itinanim mo ang tutubo,

o kung lahat ito ay tutubo.

Alalahanin Mo ang Iyong Manlilikha

7 Ang liwanag ay napakatamis,

at nakalulugod sa mata

na makita ang araw.

8 Kaya sa buong buhay mo

ay maging masaya ka,

gaano man ito kahaba.

Ngunit, alalahanin mong

darating ang kamatayan

at magtatagal iyon.

Lahat ng mangyayari

ay walang kabuluhan.

9 Kayong mga kabataan, magsaya kayo

habang kayoʼy bata pa.

Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin,

pero alalahanin ninyong hahatulan kayo ng Diyos

ayon sa inyong mga ginawa.

10 Huwag kayong mag-alala o mabalisa man

dahil ang panahon ng kabataan

ay lumilipas lang.

Veja também

Publicidade
Eclesiastes
Ver todos os capítulos de Eclesiastes
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-