Pular para o conteúdo
Publicidade

Esther 3:2,6,7,13

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

2 At lahat ng mga lingkod ng hari na Est. 2:10.nangasa pintuang-daan ng hari, ay nagsiyukod at nagsigalang kay Aman; sapagka’t iniutos na gayon ng hari tungkol sa kaniya. Nguni’t si Mardocheo ay hindi yumukod, o gumalang man sa kaniya.

6 Nguni’t inakala niyang walang kabuluhan na pagbuhatan ng kamay si Mardocheo na magisa; sapagka’t ipinakilala nila sa kaniya ang bayan ni Mardocheo: kaya’t inisip ni Aman na lipulin ang lahat na Judio na nangasa buong kaharian ni Assuero, sa makatuwid baga’y ang bayan ni Mardocheo.

7 Nang unang buwan, na siyang buwan ng Neh. 2:1.Nisan, nang ikalabing dalawang taon ng haring Assuero, Est. 9:24,26.kanilang pinagsapalaran nga ang Pur sa harap ni Aman sa araw-araw, at sa buwan-buwan, hanggang sa ikalabing dalawang buwan, na siyang buwan ng Ezra 6:15.Adar.

13 At nagpadala ng mga sulat 2 Cron. 30:6;Est. 8:10.sa pamamagitan ng mga sugo sa lahat ng mga lalawigan ng hari, upang ipahamak, upang patayin, at upang lipulin ang lahat na Judio, ang bata at gayon din ang matanda, ang mga bata at ang mga babae Est. 8:12;9:1.sa isang araw, sa makatuwid baga’y sa ikalabing tatlong araw ng ikalabing dalawang buwan, na siyang buwan ng Ezra 6:15.Adar, at Est. 8:11.upang kumuha ng samsam sa kanila na pinakahuli.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    2 Inutusan niya ang lahat ng opisyal na yumukod kay Haman bilang paggalang sa kanya. Pero ayaw yumukod ni Mordecai.

    6 At nang malaman pa niyang si Mordecai ay isang Hudyo, naisip niyang hindi lang si Mordecai ang ipapapatay niya kundi pati na ang lahat ng Hudyo sa buong kaharian ni Haring Asuero.

    7 Nang buwan ng Nisan, ang unang buwan, noong ikalabindalawang taon ng paghahari ni Asuero, nag-utos si Haman na magpalabunutan para malaman kung ano ang tamang araw at buwan para ipatupad ang plano niya. (Ang ginagamit nila sa palabunutan ay tinatawag nilang "Pur".) At ang nabunot ay ang ikalabindalawang buwan, ang buwan ng Adar.

    13 Ang sulat na iyon ay ipinadala sa lahat ng lalawigan ng kaharian sa pamamagitan ng mga mensahero. Nakasulat dito ang utos na sa loob lang ng isang araw ay papatayin ang lahat ng Hudyo: bata, matanda, lalaki at babae, at sasamsamin ang lahat ng ari-arian nila. Gagawin ito sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan, ang buwan ng Adar.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.