2 Inutusan niya ang lahat ng opisyal na yumukod kay Haman bilang paggalang sa kanya. Pero ayaw yumukod ni Mordecai.
6 At nang malaman pa niyang si Mordecai ay isang Hudyo, naisip niyang hindi lang si Mordecai ang ipapapatay niya kundi pati na ang lahat ng Hudyo sa buong kaharian ni Haring Asuero.
7 Nang buwan ng Nisan, ang unang buwan, noong ikalabindalawang taon ng paghahari ni Asuero, nag-utos si Haman na magpalabunutan para malaman kung ano ang tamang araw at buwan para ipatupad ang plano niya. (Ang ginagamit nila sa palabunutan ay tinatawag nilang "Pur".) At ang nabunot ay ang ikalabindalawang buwan, ang buwan ng Adar.
13 Ang sulat na iyon ay ipinadala sa lahat ng lalawigan ng kaharian sa pamamagitan ng mga mensahero. Nakasulat dito ang utos na sa loob lang ng isang araw ay papatayin ang lahat ng Hudyo: bata, matanda, lalaki at babae, at sasamsamin ang lahat ng ari-arian nila. Gagawin ito sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan, ang buwan ng Adar.