3 Nang magkagayo’y sumagot, at nagsabi si Esther na reina, Kung ako’y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, Oh hari, at kung kalulugdan ng hari, ipagkaloob sa akin ang aking buhay sa aking hingi at ang aking bayan sa aking hiling:
4 Sapagka’t kami ay naipagbili, Est. 3:9;4:7.ako at ang aking bayan Est. 3:13;8:11.upang ipahamak, upang patayin, at upang lipulin. Nguni’t kung kami ay naipagbili na mga pinakaaliping lalake at babae, ako’y tumahimik, bagaman hindi mababayaran ng kaaway ang bagabag sa hari.
9 Nang magkagayo’y Est. 1:10.sinabi ni Harbona, na isa sa kamarero na nasa harap ng hari: Narito naman, ang Est. 5:14.bibitayan na may limang pung siko ang taas, na ginawa ni Aman ukol kay Mardocheo, na siyang nagsalita sa Est. 2:22.ikabubuti ng hari, ay nakatayo sa bahay ni Aman. At sinabi ng hari, Bitayin siya roon.
10 Sa gayo’y binitay nila si Aman sa bibitayan na inihanda niya ukol kay Mardocheo. Nang magkagayo’y Est. 2:1.napayapa ang kapootan ng hari.