Pular para o conteúdo
Publicidade

Ester 7:3,4,9,10

OASD Ang Salita ng Diyos

3 Sumagot si Reyna Ester, "Mahal na Hari, kung kalugod-lugod po ako sa inyo, iligtas po ninyo ako at ang aking mga kalahing Hudyo. Ito po ang kahilingan ko sa inyo. 4 Sapagkat may gantimpalang ipinangako sa mga taong lilipol sa amin. Kung ipinagbili lang po kami para maging alipin, makakaya ko pong manahimik na lamang dahil hindi naman iyon mahalaga para gambalain ko pa kayo."

9 Sinabi ni Harbona, na isa sa mga lingkod ng hari, "Nagpagawa po si Haman ng matulis na kahoy para tuhugin si Mordecai, na nagligtas sa inyong buhay. Ang taas po ng kahoy ay pitumpuʼt limang talampakan at malapit ito sa bahay ni Haman."

Kaya nag-utos ang hari, "Doon ninyo siya tuhugin!" 10 At tinuhog nga nila si Haman doon sa ipinagawa niyang matulis na kahoy para kay Mordecai. At humupa ang galit ng hari.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    3 Nang magkagayo’y sumagot, at nagsabi si Esther na reina, Kung ako’y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, Oh hari, at kung kalulugdan ng hari, ipagkaloob sa akin ang aking buhay sa aking hingi at ang aking bayan sa aking hiling:

    4 Sapagka’t kami ay naipagbili, Est. 3:9;4:7.ako at ang aking bayan Est. 3:13;8:11.upang ipahamak, upang patayin, at upang lipulin. Nguni’t kung kami ay naipagbili na mga pinakaaliping lalake at babae, ako’y tumahimik, bagaman hindi mababayaran ng kaaway ang bagabag sa hari.

    9 Nang magkagayo’y Est. 1:10.sinabi ni Harbona, na isa sa kamarero na nasa harap ng hari: Narito naman, ang Est. 5:14.bibitayan na may limang pung siko ang taas, na ginawa ni Aman ukol kay Mardocheo, na siyang nagsalita sa Est. 2:22.ikabubuti ng hari, ay nakatayo sa bahay ni Aman. At sinabi ng hari, Bitayin siya roon.

    10 Sa gayo’y binitay nila si Aman sa bibitayan na inihanda niya ukol kay Mardocheo. Nang magkagayo’y Est. 2:1.napayapa ang kapootan ng hari.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.