Pular para o conteúdo
Publicidade

Exodo 2:3,7-9

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

3 At nang hindi na niya maitatagong malaon ay ikinuha niya ng isang takbang Is. 18:2.yantok, at pinahiran niya ng betun at ng sahing; at kaniyang isinilid ang bata roon, at inilagay sa Is. 19:6.katalahiban sa tabi ng ilog.

7 Nang magkagayo’y sinabi ng kaniyang kapatid na babae sa anak ni Faraon, Yayaon ba ako at itatawag kita ng isang sisiwa sa mga babaing Hebrea, na makapagalaga sa iyo ng batang ito?

8 At sinabi sa kaniya ng anak ni Faraon, Yumaon ka. At ang dalaga ay yumaon, at tinawag ang ina ng bata.

9 At sinabi ng anak ni Faraon, sa kaniya, Dalhin mo ang batang ito, at alagaan mo sa akin, at bibigyan kita ng iyong kaupahan. At kinuha ng babae ang bata, at inalagaan.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    3 Ngunit nang hindi na niya maitago ang sanggol, kumuha siya ng basket na gawa sa halamang papyrus at pinahiran ng alkitran. Pagkatapos, inilagay niya ang sanggol sa basket at pinalutang sa tubig sa tabi ng matataas na damo sa pampang ng Ilog Nilo.

    7 Pagkatapos, lumapit ang kapatid na babae ng sanggol sa prinsesa at nagtanong, "Gusto nʼyo po bang ikuha ko kayo ng isang babaeng Hebreo na magpapasuso at mag-aalaga sa sanggol para sa inyo?"

    8 Sumagot ang prinsesa, "Sige." Kaya umalis ang kapatid ng sanggol at pinuntahan ang kanilang ina at dinala sa prinsesa. 9 Sinabi ng prinsesa sa ina ng bata, "Dalhin mo ang sanggol na ito at pasusuhin para sa akin. Alagaan mo siya at babayaran kita." Kaya kinuha niya ang sanggol at inalagaan.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.