3 Ngunit nang hindi na niya maitago ang sanggol, kumuha siya ng basket na gawa sa halamang papyrus at pinahiran ng alkitran. Pagkatapos, inilagay niya ang sanggol sa basket at pinalutang sa tubig sa tabi ng matataas na damo sa pampang ng Ilog Nilo.
7 Pagkatapos, lumapit ang kapatid na babae ng sanggol sa prinsesa at nagtanong, "Gusto nʼyo po bang ikuha ko kayo ng isang babaeng Hebreo na magpapasuso at mag-aalaga sa sanggol para sa inyo?"
8 Sumagot ang prinsesa, "Sige." Kaya umalis ang kapatid ng sanggol at pinuntahan ang kanilang ina at dinala sa prinsesa. 9 Sinabi ng prinsesa sa ina ng bata, "Dalhin mo ang sanggol na ito at pasusuhin para sa akin. Alagaan mo siya at babayaran kita." Kaya kinuha niya ang sanggol at inalagaan.