Ang dambana ng kamangyan.
1 At gagawa ka ng isang Ex. 37:25;40:5;Lev. 4:7,18;Apoc. 8:3.dambana na mapagsusunugan ng kamangyan: na kahoy na akasia iyong gagawin.
6 At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo, Ex. 25:21,22.sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na aking pakikipagtagpuan sa iyo.
7 At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia: tuwing umaga pagka kaniyang Ex. 27:20,21.inaayos ang mga ilawan, ay susunugin niya.
8 At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon, ay kaniyang susunugin, na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon, sa buong panahon ng inyong mga lahi.
10 At si Aaron ay tutubos ng sala Lev. 16:18;23:27.sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo Ex. 29:36.ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon.