Pular para o conteúdo
Publicidade

Exodus 30:1,6-8,10

OASD Ang Salita ng Diyos

Ang Altar na Pagsusunugan ng Insenso

1 "Magpagawa ka ng altar na akasya na pagsusunugan ng insenso. 6 Ilagay mo ang altar na ito sa harap ng tabing na nakatakip sa Kahon ng Kasunduan at sa takip ng Kahon, ang takip ng kapatawaran, kung saan ako makikipagkita sa inyo.

7 "Tuwing umaga, kapag mag-aasikaso si Aaron ng mga ilaw, magsusunog siya ng mabangong insenso sa nasabing altar. 8 At sa dapit-hapon, kapag magsisindi siya ng ilaw, magsusunog siyang muli ng insenso. Dapat itong gawin araw-araw sa aking harapan ng susunod pang mga henerasyon. 10 Isang beses sa bawat taon, kailangang gawin ni Aaron ang seremonya para sa kapatawaran ng mga kasalanan sa altar sa pamamagitan ng pagpapahid ng dugo sa parang mga sungay na sulok nito. Ang dugong ipapahid ay galing sa handog para sa kasalanan. Dapat itong gawin taon-taon maging ng mga susunod pang henerasyon, sapagkat ang altar na ito ay napakabanal dahil itinalaga ito para sa akin."

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    1 At gagawa ka ng isang Ex. 37:25;40:5;Lev. 4:7,18;Apoc. 8:3.dambana na mapagsusunugan ng kamangyan: na kahoy na akasia iyong gagawin.

    6 At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo, Ex. 25:21,22.sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na aking pakikipagtagpuan sa iyo.

    7 At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia: tuwing umaga pagka kaniyang Ex. 27:20,21.inaayos ang mga ilawan, ay susunugin niya.

    8 At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon, ay kaniyang susunugin, na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon, sa buong panahon ng inyong mga lahi.

    10 At si Aaron ay tutubos ng sala Lev. 16:18;23:27.sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo Ex. 29:36.ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.