Pular para o conteúdo
Publicidade

Exodo 31:1-6

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

Ang pagtawag kay Bezaleel at kay Aholiab.

1 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

2 Ex. 35:30;36:1;1 Cron. 2:20.Tingnan mo aking tinawag sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda:

3 At Ex. 35:31;1 Hari 7:14.aking pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, sa karunungan at pagkakilala, at kaalaman, at sa lahat ng sarisaring gawain,

4 Upang kumatha ng mga gawang kaayaaya, upang gumawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso,

5 At upang umukit ng mga batong pangkalupkop, upang gumawa ng mga nililok na kahoy, at upang gumawa sa lahat na sarisaring gawain.

6 At ako, narito, aking inihalal na kasama niya si Ex. 35:34.Aholiab, na anak ni Ahisamac sa lipi ni Dan; at sa puso ng lahat na maalam na puso, ay aking isinilid ang karunungan, upang magawa nila ang lahat ng aking iniutos sa iyo:

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    1 Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2 "Pinili ko si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur, na mula sa lahi ni Juda. 3 Pinuspos ko siya ng aking Espiritu31:3 Espiritu: O kapangyarihan. at binigyan ng kakayahan, kahusayan at katalinuhan sa anumang gawain: 4 sa paggawa ng magagandang bagay na ginto, pilak at tanso, 5 sa paghuhugis ng mamahaling mga bato, sa paglililok ng kahoy at lahat ng klase na gawang kamay. 6 Pinili ko rin si Oholiab na anak ni Ahisamac, na mula sa lahi ni Dan, upang tumulong kay Bezalel.

    "Binigyan ko rin ng kakayahan ang lahat ng may karunungan sa anumang gawain upang magawa nila ang lahat ng iniutos kong gawin mo:

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.