Sila Bezalel at Oholiab
1 Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2 "Pinili ko si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur, na mula sa lahi ni Juda. 3 Pinuspos ko siya ng aking Espiritu31:3 Espiritu: O kapangyarihan. at binigyan ng kakayahan, kahusayan at katalinuhan sa anumang gawain: 4 sa paggawa ng magagandang bagay na ginto, pilak at tanso, 5 sa paghuhugis ng mamahaling mga bato, sa paglililok ng kahoy at lahat ng klase na gawang kamay. 6 Pinili ko rin si Oholiab na anak ni Ahisamac, na mula sa lahi ni Dan, upang tumulong kay Bezalel.
"Binigyan ko rin ng kakayahan ang lahat ng may karunungan sa anumang gawain upang magawa nila ang lahat ng iniutos kong gawin mo: