Pular para o conteúdo
Publicidade

Genesis 12:1-4

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

Ang tawag kay Abram.

1 Sinabi nga ng Gawa 7:2,3;Heb. 11:8.Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo:

2 Gen. 17:6;18:18;Gal. 3:14.At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran:

3 Gen. 27:29;Blg. 24:9.At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: Gen. 18:18;22:18;26:4;Jer. 4:2;Gawa 3:25;Gal. 3:8.at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.

4 Kaya’t yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon; at si Lot ay sumama sa kaniya: at si Abram ay may pitong pu’t limang taon, nang umalis sa Haran.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    1 Ngayon, sinabi ng Panginoon kay Abram, "Lisanin mo ang iyong lupain, ang iyong mga kamag-anak maging ang sambahayan ng iyong ama, at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo."

    2 "Gagawin kong isang malaking bansa ang lahi mo,

    at pagpapalain kita.

    Gagawin kong tanyag ang pangalan mo,

    at marami ang pagpapalain dahil sa iyo.

    3 Pagpapalain ko ang mga magpapala saʼyo.

    Ngunit isusumpa ko naman ang mga susumpa sa iyo.

    Sa pamamagitan moʼy pagpapalain ko

    ang lahat ng tao sa mundo."

    4 Kaya umalis si Abram ayon sa sinabi ng Panginoon sa kanya, at sumáma si Lot sa kanya. Si Abram ay pitumpuʼt limang taóng gulang na noong umalis siya roon.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.