Ang Pagtawag ng Diyos kay Abram
1 Ngayon, sinabi ng Panginoon kay Abram, "Lisanin mo ang iyong lupain, ang iyong mga kamag-anak maging ang sambahayan ng iyong ama, at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo."
2 "Gagawin kong isang malaking bansa ang lahi mo,
at pagpapalain kita.
Gagawin kong tanyag ang pangalan mo,
at marami ang pagpapalain dahil sa iyo.
3 Pagpapalain ko ang mga magpapala saʼyo.
Ngunit isusumpa ko naman ang mga susumpa sa iyo.
Sa pamamagitan moʼy pagpapalain ko
ang lahat ng tao sa mundo."
4 Kaya umalis si Abram ayon sa sinabi ng Panginoon sa kanya, at sumáma si Lot sa kanya. Si Abram ay pitumpuʼt limang taóng gulang na noong umalis siya roon.