Publicidade

Gênesis 36

Ang mga Lahi ni Esau

1 Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Esau (na tinatawag ding Edom).

2 Nakapag-asawa si Esau ng mga babaeng taga-Canaan. Silaʼy sina Ada na anak ni Elon na Heteo, si Oholibama na anak ni Ana at apo ni Zibeon na Heveo, 3 at si Basemat na kapatid ni Nebayot na anak ni Ismael.

4 Ang anak ni Esau kay Ada ay si Elifaz. Ang anak niya kay Basemat ay si Reuel. 5 At ang mga anak niya kay Oholibama ay sina Jeus, Jalam at Kora. Sila ang mga anak ni Esau na isinilang sa Canaan.

6 Dinala ni Esau ang kanyang mga asawaʼt anak, ang lahat ng sakop ng kanyang sambahayan, pati ang mga ari-arian at mga hayop niya na naipon niya sa Canaan. At lumipat siya sa isang lupain na malayo sa kanyang kapatid na si Jacob. 7 Sapagkat hindi na sila maaaring magsama sa isang lupain dahil sa dami ng mga ari-arian nila; at ang lupain na kanilang tinitirhan ay hindi sapat sa kanila dahil sa dami ng mga hayop nila. 8 Kaya tumira si Esau (na tinatawag ding Edom) doon sa kaburulan ng Seir.

9 Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Esau na ama ng mga Edomita na nakatira sa kaburulan ng Seir.

10 Ang mga lalaking anak ni Esau

kay Ada ay si Elifaz at si Reuel, kay Basemat.

11 Ang mga anak na lalaki ni Elifaz

ay sina Teman, Omar, Zefo, Gatam at Kenaz. 12 May anak ding lalaki si Elifaz sa kanyang asawang alipin na si Timna. Siya ay si Amalek. Sila ang mga apo ni Esau kay Ada.

13 Ang mga anak na lalaki ni Reuel

ay sina Nahat, Zera, Shama, at Miza. Sila ang mga apo ni Esau kay Basemat.

14 Ang mga anak na lalaki ni Esau kay Oholibama na anak ni Ana at apo ni Zibeon

ay sina Jeus, Jalam at Kora.

15 Ito ang mga lahi ni Esau na naging pinuno ng ibaʼt ibang angkan:

Ang mga lahi ng panganay na anak ni Esau na si Elifaz na naging mga pinuno

ay sina Teman, Omar, Zefo, Kenaz, 16 Kora, Gatam at Amalek. Sila ang mga pinuno sa lupain ng Edom na nagmula kay Elifaz. Sila ay nagmula sa asawa ni Esau na si Ada.

17 Naging pinuno rin sa Edom ang mga anak ni Reuel

na sina Nahat, Zera, Shama, at Miza. Sila ang mga apo ni Esau kay Basemat.

18 Naging pinuno rin ang mga anak na lalaki ni Esau kay Oholibama na anak ni Ana.

Sila ay sina Jeus, Jalam at Kora.

19 Silang lahat ang lahi ni Esau na mga pinuno ng Edom.

Ang mga Lahi ni Seir

20 Ito ang mga anak na lalaki ni Seir na Horeo na nakatira sa Edom:

Si Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, 21 Dishon, Eser at Disan. Naging pinuno rin sila ng mga Horeo na mga lahi ni Seir na unang tumira sa Edom.

22 Ang mga anak na lalaki ni Lotan

ay sina Hori at Heman. Si Lotan ay mayroong kapatid na babae na si Timna.

23 Ang mga anak na lalaki ni Sobal

ay sina Alvan, Manahat, Ebal, Zefo at Onam.

24 Ang mga anak na lalaki ni Zibeon

ay sina Aias at Ana. (Si Ana ang nakatuklas ng bukal doon sa ilang habang nagpapastol siya ng mga asno ng kanyang ama.)

25 Ang mga anak ni Ana

ay sina Dison at ang babaeng kapatid na si Oholibama.

26 Ang mga anak na lalaki ni Dishon

ay sina Hemdan, Esban, Itran at Keran.

27 Ang mga lalaking anak ni Eser

ay sina Bilhan, Zaavan at Acan.

28 Ang mga anak na lalaki ni Disan

ay sina Uz at Aran.

29 Ang mga pinuno ng mga Horeo

ay sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, 30 Dishon, Eser at Disan.

Sila ang mga pinuno sa bawat lahi ng mga Horeo na may pinamamahalaang lupain sa Seir.

Ang mga Hari ng Edom

31 Ito ang mga hari ng Edom noong panahon na wala pang mga hari ang mga lahi ni Israel:

32 Si Bela na taga-Dinaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom.

33 Pagkamatay ni Bela, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bosra.

34 Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husam na taga-Teman.

35 Pagkamatay ni Husam, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang tumalo sa mga Midianita roon sa Moab.

36 Pagkamatay ni Hadad, pinalitan siya ni Samla na taga-Masreca.

37 Pagkamatay ni Samla, pinalitan siya ni Saul na taga-Rehobot na malapit sa ilog.

38 Pagkamatay ni Saul, pinalitan siya ni Baal-hanan na anak ni Acbor.

39 Pagkamatay ni Baal-hanan na anak ni Acbor, pinalitan siya ni Hadar na taga-Pau. Ang asawa niya ay si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Mezahab.

40 Ito ang mga naging pinuno sa mga lahi ni Esau na ang angkan at lupain ay ipinangalan sa kanila:

Timna, Alva, Jetet,

41 Oholibama, Ela, Pinon,

42 Kenaz, Teman, Mibzar,

43 Magdiel, at Iram.

Sila ang mga pinuno ng Edom ayon sa kanilang sinasakupang lupain.

Ito ang mga lahi ni Esau (na tinatawag ding Edom) na pinagmulan ng mga Edomita.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_18-40-07-