14 At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang Gen. 13:8.kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa Huk. 18:29.Dan.
15 At sila’y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan, laban sa kaaway, siya at ang kaniyang mga alipin, at kanilang sinaktan sila, at hinabol nila sila hanggang sa Hobah, na nasa kaliwa ng Damasco.
16 At iniuwi niya ang lahat ng pagaari; at iniuwi rin niya si Lot na kaniyang kapatid, at ang kaniyang mga pagaari, at gayon din ang mga babae at ang bayan.
Pinagpala ni Melquisedec si Abram.
18 At si Heb. 7:1.Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya’y Awit 110:4;Heb. 5:6.saserdote ng Kataastaasang Gawa 16:17.Dios.
19 At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na tal.22;Mat. 11:25.may-ari ng langit at ng lupa:
20 At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. Heb. 7:4.At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.