Pular para o conteúdo
Publicidade

Genesis 14:14-16,18-20

OASD Ang Salita ng Diyos

14 Nang marinig ni Abram na binihag ang kanyang pamangking si Lot, tinipon niya agad ang 318 niyang sanay na tauhan na ipinanganak sa kanyang sambahayan. Hinabol nila ang apat na hari hanggang sa Dan. 15 Kinagabihan, pinangkat ni Abram ang kanyang mga tauhan at nilusob nila ang mga kalaban, at natalo nila ang mga ito. Ang ibang nakatakas ay hinabol nila hanggang sa Hoba, sa hilaga ng Damasco. 16 Binawi nila ang lahat ng ari-ariang sinamsam ng mga kalaban. Binawi rin nila si Lot at ang mga ari-arian nito pati ang mga babae at ang iba pang mga tao.

18 Sumalubong din kay Abram si Haring Melquisedec ng Salem at pari ng Kataas-taasang Diyos na may dalang pagkain at inumin. 19 Binasbasan niya si Abram at sinabing:

"Nawaʼy pagpalain ka Abram ng Kataas-taasang Diyos

na lumikha ng langit at lupa.

20 Purihin ang Kataas-taasang Diyos

na nagbigay ng tagumpay sa iyo laban sa mga kaaway mo!"

Pagkatapos, binigyan ni Abram si Melquisedec ng ikasampung bahagi ng lahat ng nasamsam niya sa labanan.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    14 At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang Gen. 13:8.kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa Huk. 18:29.Dan.

    15 At sila’y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan, laban sa kaaway, siya at ang kaniyang mga alipin, at kanilang sinaktan sila, at hinabol nila sila hanggang sa Hobah, na nasa kaliwa ng Damasco.

    16 At iniuwi niya ang lahat ng pagaari; at iniuwi rin niya si Lot na kaniyang kapatid, at ang kaniyang mga pagaari, at gayon din ang mga babae at ang bayan.

    18 At si Heb. 7:1.Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya’y Awit 110:4;Heb. 5:6.saserdote ng Kataastaasang Gawa 16:17.Dios.

    19 At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na tal.22;Mat. 11:25.may-ari ng langit at ng lupa:

    20 At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. Heb. 7:4.At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.