Pular para o conteúdo
Publicidade

Genesis 18:23-26,32,33

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

Ang pamamagitan ni Abraham.

23 At lumapit si Abraham, at nagsabi, Blg. 16:22;2 Sam. 24:17.Ang mga banal ba ay iyong lilipuling kasama ng mga masama?

24 Kung sakaling may limang pung banal sa loob ng bayan: lilipulin mo ba, at di mo patatawarin ang dakong yaon, alangalang sa limang pung banal na nasa loob niyaon?

25 Malayo nawa sa iyo ang paggawa ng ganito, na ang banal ay iyong pataying kasama ng masama, Job 8:20.anopa’t ang banal ay mapara sa masama; malayo nawa ito sa iyo: di ba gagawa ng matuwid Job 8:3;Rom. 3:6.ang Hukom ng buong lupa?

26 At sinabi ng Panginoon, Is. 65:8;Jer. 5:1;Ezek. 22:30.Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limang pung banal sa loob ng bayan, patatawarin ko ang buong dakong yaon, alangalang sa kanila.

32 At sinabi niya, Oh Huk. 6:39.huwag magalit ang Panginoon at magsasalita na lamang akong minsan: kung sakaling may masusumpungan doong sangpu: at sinabi niya, Sant. 5:16.Hindi ko lilipulin, alangalang sa sangpu.

33 At ang Panginoon ay nagpatuloy, pagkatapos na makipagusap kay Abraham: at si Abraham ay nagbalik sa kaniyang dako.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    23 Lumapit si Abraham sa Panginoon at nagtanong, "Lilipulin nʼyo po ba ang mga matuwid kasama ng mga makasalanan. 24 Kung mayroon po kayang limampung matuwid sa lungsod na iyan, lilipulin nʼyo pa rin po ba ang buong lungsod? Hindi nʼyo po ba kahahabagan ang lungsod alang-alang sa limampung taong matuwid? 25 Hindi po kapani-paniwala na lilipulin ninyo ang mga matuwid kasama ng mga makasalanan. Hindi po maaaring pare-pareho ang pakikitungo nʼyo sa kanila. Kayo po na humahatol sa buong mundo, hindi po baʼt dapat gawin ninyo kung ano ang tama?"

    26 Sumagot ang Panginoon, "Kung may makita akong limampung matuwid sa Sodoma, hindi ko lilipulin ang buong lungsod alang-alang sa kanila."

    32 Muling nagsalita si Abraham, "Panginoon, huwag po sana kayong magagalit; huling tanong na po ito. Halimbawa, sampu na lang po ang nakita ninyong matuwid?"

    Sumagot ang Panginoon, "Hindi ko pa rin lilipulin ang lungsod alang-alang sa sampung matuwid."

    33 Pagkatapos nilang mag-usap, umalis ang Panginoon at si Abraham ay umuwi naman sa kanila.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.