23 Lumapit si Abraham sa Panginoon at nagtanong, "Lilipulin nʼyo po ba ang mga matuwid kasama ng mga makasalanan. 24 Kung mayroon po kayang limampung matuwid sa lungsod na iyan, lilipulin nʼyo pa rin po ba ang buong lungsod? Hindi nʼyo po ba kahahabagan ang lungsod alang-alang sa limampung taong matuwid? 25 Hindi po kapani-paniwala na lilipulin ninyo ang mga matuwid kasama ng mga makasalanan. Hindi po maaaring pare-pareho ang pakikitungo nʼyo sa kanila. Kayo po na humahatol sa buong mundo, hindi po baʼt dapat gawin ninyo kung ano ang tama?"
26 Sumagot ang Panginoon, "Kung may makita akong limampung matuwid sa Sodoma, hindi ko lilipulin ang buong lungsod alang-alang sa kanila."
32 Muling nagsalita si Abraham, "Panginoon, huwag po sana kayong magagalit; huling tanong na po ito. Halimbawa, sampu na lang po ang nakita ninyong matuwid?"
Sumagot ang Panginoon, "Hindi ko pa rin lilipulin ang lungsod alang-alang sa sampung matuwid."
33 Pagkatapos nilang mag-usap, umalis ang Panginoon at si Abraham ay umuwi naman sa kanila.