Pular para o conteúdo
Publicidade

Genesis 3:16-19

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

16 Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, 1 Cor. 14:34;Ef. 5:22,24;Col. 3:18;1 Tim. 2:11,12.at siya’y papapanginoon sa iyo.

17 At kay Adam ay sinabi, Sapagka’t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na Gen. 2:17.sinabi, Huwag kang kakain niyaon; Rom. 8:20,22.sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa Job 5:7;Ec. 2:23.pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;

18 Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang;

19 Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: Gen. 2:7.sapagka’t ikaw ay alabok Ec. 3:20;12:7.at sa alabok ka uuwi.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    16 Sinabi rin niya sa babae,

    "Dahil sa ginawa mo, dadagdagan ko ang paghihirap mo sa pagbubuntis

    at mararamdaman mo ang sobrang sakit sa iyong panganganak.

    Ngunit sa kabila niyan, hahangarin mo pa rin ang iyong asawa

    at maghahari siya sa iyo."3:16 hahangarin … sa iyo: O susubukan mong maghari sa iyong asawa, ngunit maghahari siya sa iyo.

    17 Sinabi rin niya sa lalaki, "Dahil naniwala ka sa asawa mo at kumain ng bunga ng punongkahoy na ipinagbawal ko sa inyo:

    Susumpain ko ang lupa!

    Kaya sa buong buhay mo

    ay magpapakahirap ka nang husto upang makakain.

    18 Tutubo sa lupa ang mga damo at halamang may tinik.

    Ang kakainin moʼy manggagaling sa mga pananim sa bukid.

    19 Kinakailangang magpakahirap ka nang husto upang makakain,

    hanggang sa bumalik ka sa lupa na iyong pinagmulan.

    Dahil sa lupa ka nagmula,

    sa lupa ka rin babalik."

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.